Aiko Melendez, hindi nagustuhan ang mga tanong ni Ogie Diaz sa boyfriend nito kaya nagalit at nagwalk out!



Bakit nga kaya biglang nag walk-out si Aiko Melendez habang ini-interview ni Ogie Diaz para sa kanyang vlog?

Sa pinaka bagong uplaod ni Ogie Diaz kanyang youtube channel, ibinahagi nya ang isang video kung saan ay nagkaroon siya ng panayam kay Ms. Aiko Melendez at sa kasintahan nitong si Zambales Vice Governor Jay Konghun.




Sa nasabing vlog parehong ibinahagi ng magkasintahan kay Ogie Diaz ang maraming bagay tungkol sa kanilang relasyon at kung paano nila sinusulusyunan ang kanilang mga problema.

Dagdag pa ni Aiko, "Depende mother kung anong pinagawayan namin kasi meron kaming mga times na may away kaming malalim, may times na may away kami na hindi ganun kalalim. Depende kung anong klaseng away"


Sa kabilang banda ay nagbahagi rin si Jay ng kanyang sagot, "Minsan pag nare-realize din natin kung sino yung may mas mali. So syempre kung sino yung may mas mali sya dapat yung mag sorry kasi nature namin parehas na may opinyon kami sa bagay bagay kasi dun nagkakaproblema"

Sinabi naman ng kapuso actress na ibinabahagi lamang niya nag kanyang problema sa relasyon sa kanyang malalapit na kaibigan.

Kung kayat nagulat si Ogie ng malamang nagbabahagi si Jay ng kanyang problema sa relasyon sa ibang babae.

Dahil dito ay naglabas ng mga nakakaintrigang tanong ang talent manager sa Gobernador.


"Is there a time na meron kang babaeng nasabihan tungkol sa inyo ni Aiko?"

"Kaibigan lang? walang nangyaring pisikal?" Tanong pa ni Ogie.


Sa puntong ito tila ba hindi na natutuwa si Aiko sa mga tanong ng talent manager. "Mother, bakit mo kinakargahan si Jay? Nakakahiya dito sa youtube channel mo. Napapahiya yung tao. Napapahiya din ako. Kaibigan mo ako dapat pinoprotektahan mo ako dito. Ano ba naman 'to mother? Vlog mo to dapat protektahan moko. Nakakahiya maghihiwalay kami ng tao sa vlog mo"


Matapos nito ay tumayo si Aiko sa kanyang kinauupuan at nag walk-out.



Sa huli ay isa lamang pala itong prank para kay Ogie Diaz. Nabik!ktima nila ito sa knayng mismong Youtube Channel. 


Narito ang kabuuan ng video.