Bakit nga ba tinanggihan ni Ivana Alawi ang manliligaw na gusto syang isakay sa private jet at dalhin sa Japan



Sa dami ng magagandang mukha sa showbiz ngayon, talaga namang  iilan lang ang umaangat sa masa.



Isa na rito si Ivana Alawi. Sya ngayon ang tinaguriang pantasya ng bayan. Sino nga ba naman ang hindi mahahalina sa kanyang angking kagandahan.


Nakilala si Ivana Alawi ng magkaroon sya ng pagkakatain na mag guest sa FPJ's Ang Probinsyano kung saan sya ang gumaganap na kasintahan ni Eddie Garcia.




Dahil sa kanyang angking kagandahan, yaman at kasikatan kaya marami ang kalalakihan ang talaga namang humahanga sa kanya.



Nito lamang ay binahagi ni Ivana sa kanyang vlog ang tungkol sa kanyang manliligaw.


 

Sinabi nya ritong may isang mayamang lalaki ang humahanga sa kanya. Ang lalaking ito ay nag mamayari ng isang private jet.


Ang lalaking di nya pinangalanan ay inaya umano siya na lumabas at kumain sa Japan matapos niyang magpost na gusto nya kumain ng japanese food.



Aniya "Parang nagki-crave ako sa japanese food nagpost ako sa instagram. Matagal na sya nagdi-DM sa instagram.

Sabi nya pwede ba kitang ligawan? Sunduin kita ng private jet tapos punta tayo ng Japan, tapos kakain tayo dun"



tapos parang ako, sa tingin mo sasama ako sayo papunta ng Japan dahil lang may jet ka? No!" Dagdag pa nya.



Hindi nagustuhan ni Ivana ang paraan ng lalaki para yayain syang lumabas kaya umano tumanggi siya.


"Ni-reject ko yun. Parang ang yabang! Hindi sya bongga. Mayabang. Pinakamayabang yun!"



Aniya hindi sya magmamahal ng ganung kayabang na tao.



"Eto lang masasabi ko. Hindi porket may pera ka makukuha mo na lahat ng gusto mo.

Sometimes you just have to be good to people. You have to be friendly.

Kung gusto mo makipagkaibigan makipagkaibigan ka. Peor hindi porket, Ay! may jet ako; lahat ng babae sasama sayo!"


Dahil dito mas marami ang humanga sa dalaga dahil hindi ito nasisilaw sa dami ng pera ng isang tao.


Maaring panoorin ang buong vlog rito.