Sikat na vlogger, bagong leading man ni Barbie Imperial??

 

Mukhang mayroon ng bagong leading ang kapamilya actress na si Barbie Imperial. 




Si Anthony Leodones ay isa sa mga sikat na youtuber sa ngayon.


Una syang nakilala sa facebook kung saan ay gumagawa sya ng mga vines o ng mga nakakatawang video at ina-upload ito sa kanayng facebook account.



Kasama ang kanyang kasintahan na si Jamie, naging sikat silang couple online at marami ang nagfollow sa kanilang love story. 




Nung una ay long distance ang set-up ng kanilang relasyon dahil dating naka base si Anthony sa Japan. Kalaunan ay sumunod narin si Jamie kung saan naroon si Anthony at di nagtagal ay bumalik narin sila sa bansa.


Ngayon na sikat na sikat  na sila sa social media, hindi na nakapagtataka kung maging ang malalaking artista ay kilala narin sila.


Sa katunayan ay napansin na ni Barbie Imperial itong si Anthony sa kanyang facebook post. Mahahalatang may malaking paghanga itong si Anthony kay Barbie.

Upang mapansin ng aktres ay ginawa pa nyang wallpaper ang larawan nito at ipinakita sa social media. 




At napansin nga sya ng aktres matapos nitong i-share ang post ni Anthony.




"May iphone 12 ka lang may Barbie ako" saad niya sa kanyang post.



"Kilig naman ako Anthony" sagot ng aktres

Kaagad naman nagcomment si Anthony na "SO KELAN TAYO MAGME-MEET CHAR"


"Anthony Leodones kelan kaba pwede?" sagot naman ng dalaga.



Maraming netizens ang nagreact sa post at sagutan nilang ito lalong lalo  na ang mga masusugid nilang taga hanga. 


Lalo pang tumindi ang usap-usapan ng magpost si Barbie ng larawan nila ni Anthony.

Tila may may kissing scene ang dalawa.



 Narito ang reaction ng mga netizens.








Sa huli ay mapapansin na isa lamang itong stunt upang mas lalong mapasa ang kanilang manonood.