Dahil narin sa tindi ng sinapit ng ating bayan dahil sa bagy0ng Ulysses marami ang talaga naman nahirapan. Isa ang Cagayan at Isabela sa mga matitindi ang tinamong pinsala. Inabot pa ang lalim ng tubig sa labing limang metro
Kaya maraming kabahayan ang talaga naman nalubog at nawasak at marami sa residente ang wala ng mapuntahan kundi sa bubong ng bahay at maghinay na lamang sa mga rescuers.
Matapos ang pakikipagsapalaran sa bagy0 ay kailangan naman nilang harapin ang matinding gutom at uhaw.
Marami sa ating mga kababayan sa Cagayan at Isabela ang umaasa na lamang sa mga donasyon at relief goods ng gobyerno at ng mga taong may mabubuting loob.
May isang video ang nag-viral at talaga naman umantig sa puso ng mga netizens dahil umano nadapa ang isang lalaki kakahabol sa relief goods na ipinamimigay.
Kinilala ang matandang lalaki na si Lauriano Anung Pattaui ng Barangay San Isidro, Iguig sa Cagayan.
Ibinahagi naman ng nagmalasakit na netizen na si Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan ang TikTok video ni @itsmecarlo19 kung saan makikita ang kalagayan ni Tatay Lauriano.
Makikita sa video na puro putik ang mukha ng matanda maging ang kanyang buong katawan. Hinabol umano ng matanda ang nagpapamigay ng relief goods sa kasamaang palad ay hindi ito naabutan ng matanda.
Bakas sa mukha ng matanda ang lungkot dahil wala siyang maiuuwi para sa kanyang pamilya.