"Nakakasuka ang amoy!" Dating landlord ni Tekla at Michelle nasampulan ng kababuyan ng dalawa.


Matapos ang video ng paglilinis ni Donita Nose at mga kaibigan sa condo ng komedyanteng si Tekla ay may isang babae na nagngangalang Rose Marie sa facebook ang nagupload at naglabas ng hinanakit sa dating mag live in partner.


Sila umano ang dating landlord nila Tekla at Michelle sa dati nitong inuupahan walong buwan na ag nakakaraan. Sa post niya ay sinabi nitong hindi daw nya gustong ipahiya ang dalawa ang gusto daw nya ay ipakita ang kadugyutan at kababuyan na ginawa ng maglive -in partner sa kanilang paupahang bahay.




Nariyan ang pinagbasyuhan umano ng pinaglaklakan ng mga dating tenant. Marami pa daw mga basyo sa labas ng paupahan.



Pinakita rin nya ang halo halong marumi at malinis damit, mga pinagkainan na nanigas at napanis na ang ulam at mga basura na hindi man lamang naitapon.



Eto naman umano ang lubabo lahat ng pinaglutuan at pinagkainan ay ni hindi manlng nahugasan aniya marami na daw namahay na ipis dito  dahil sa sobrang dumi.


Dahil sa hindi na nakakabayad ng buwanang upa ay minabuting isara nalang nila ang bahay. Ngunit ang ginawa ng mga ito ay winasak nalang ang bintana upang mapasok ang paupahan at kunin ang mga importanteng gamit ng mga ito.







Eto rin umano ang banyo na halos hindi nalinis, aniya nakakasuka daw dahil sa sobrang baho. Sinira parin umano ng mga ito ang mismong flush ng toilet bowl.







Dagdag pa ni Rose ito umano ang unan na pinakita rin sa video ng Donekla na tinapon na ni Donita. Tila nabubulok na ang unan na ito at hindi na ligtas higaan.



Pinakita rin niya ang mga naiwang gamit matapos umanong pwersahang pasukin ang bahay. Makikitang napakagulo at tila basurahan ang buong paupahan.


Mabuti na lamang umano at tinulungan sila ng mga tauhan sa kanilang baranggay upang isako ang mga basurang naiwan ng pamilya nila Michelle at Tekla.





Tinulungan din daw sila ng mga taga baranggay nai-inventory ang mga gamit ng dating mag live in partner.





Kahit maliit lang ang tinitirhang bahay ay  hindi umano matapos tapos ang paglilinis sa dami ng basurang iniwan ng pamilya.










Sa huli ay nagpasalamat ang dating landlord ni Tekla at Michelle sa pagtulong sakanila ng mga taga barangay kung kayat natapos nila ang pag lilinis at pag sasaayos ng kanilang paupahan.

Narito ang buong post ni Rose Marie.


Marami ring netizen ang nandiri at nagreact sa kababuyan na nakita nila sa mga larawan  na naupload.





Maari mong i-share sa baba kung anong reaction mo sa kwentong ito.