Zeinab Harake, Matapang na inamin ang kanyang pagbubuntis at ang ama ng kanyang magiging anak!


 Usap usapan ngayon itong sikat na vlogger na si Zeinab Harake. Matapos itong may aminin sa  kanyang pinaka huling vlog.

Si Zeinab ay isang sikat na vlogger sa Youtube na may mahigit walong milyong subscribers. Sa kanyang murang edad ay nakamit nya ang kasikatan na minimithi ng maraming kabataan ngayon.



Marami ring kinasangkutang kontr0bersya ang batang vlogger na ito. Ngunit dahil sa dami ng kanyang taga hanga, mga taga suporta at  tulong ng kanyang pamilya ay nalampasan nya ang lahat ng ito.


Isa sa pinaka maiinit na pinagusapan sa buhay ng vlogger ay ang panloloko umano ng kanyang kasintahang si Daryl Borja Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee na myembro ng Ex-Battalion.


Sa kanyang pinakahuling  vlog na pinamagatang 'BIRTHDAY SURPRISE REVELATION' emosyonal na  sinabi ni Zeinab na ilang beses na silang nagkabalikan ni Skusta Clee ngunit hindi na nya ito isinasapubliko dahil ayaw nyang mahusgahan ng mga tao.


Sinabi rin nya na siya ay nagdadalang tao at nalaman nila ito noong Oktubre pa.

"Ayoko na munang ilabas kasi nag struggle ako sa depression" saad ni Zeinab.


"Kasi nung nalaman kong preggy ako sinabi ng doktor na iwasan ko yung stress kasi sobrang baba nung bata at ayokong maapektuhan kasi ito yung dream ko eh" Paliwanag ng dalaga.


Aniya nagpapasalamat siya sa panginoon dahil dumating ang kanyang anak at masasabi nya umano na may bunga ang lahat ng kanyang paghihirap, pagtitiis at pagdarasal.

Nais ipahatid ni Zeinab na hindi pagkakamali ang batang nasa kanyang sinapupunan.

"Gusto ko lang sabihin na hindi to mistake, hindi to karma blessing 'to galing kay God at ito yung pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong birthday ko!"


Sinabi ni Zeinab na gusto nyang humingi ng paumanhin sa mga taga hanga niya na nadisappoint sa kanya.

"Gusto ko lang po humingi ng tawad sa mga taong nadisappoint ko, alam ko di ko kailangan magpaliwanag at mag sorry pero nandidito ako para ma clear na lahat"

"Sa mga totoong supporters ko alam ko magiging masaya sila para sakin"

Sa mismong vlog ay sinabi rin ni Zeinab na nakita nya umano ang pagbabago ng ama ng kanyang anak na si Daryl kahit di pa nila umano alam na may dinadala na sya sa kanyang sinapupunan.


"Dumating sa point na sinurender nya lahat para lang magkaroon ako ng peace of mind at nung tinananggap ko sya mas lalo nyang pinatunanyan na nagbago sya at mya mga effort sya na dati di ko nararamdaman na ngayon nararamdamn ko na



Ibinahagi rin ng dalawa na nagpapasalamat sila sa kanilang alagang pusa na si Athena na namatay kamakailan lamang dahil ito ang naging daan upang magkamabutihan ulit sila.




Hangad namin ang malusog at ligtas na pagbubuntis mo Zebby. Congrats!!


Narito ang buong video: