Sikat na Kapamilya actress ginulat ang marami matapos lumipat sa kabilang network!


Matapos pasukin ang mundo ng beauty pageant at maging Miss Universe Philippines ay nagdesisyon naman si Maxine Medina na pasukin ang showbiz.


Marami naring beauty queens na pumasok sa showbiz matapos ang sumali sa patimpalak.



Sa loob ng maraming taon marami naring mga dalaga ang naging daan ang Binibining Pilipinas upang makamit ang kanilang mga pangarap at makapasok sa showbiz. 




Ang ilan sa kanila ay naging matagumpay na negosyante, doktor, abogado, cibil engineer, boss ng isang kompanya, accountant at naging bahagi ng entertainment industry.



Tulad na lamang ni Maxine Medina.

Hinirang siyang Top 6 sa ginanap na Miss Universe pageant sa Manila, at naging daan ito upang makapasok siya sa showbiz noong 2017. Ang kanyang unang naging proyekto ay ang Jose Javier Reyes' movie na Spirit of the Glass 2. 


Pumumunta rin sya sa mga acting workshop upang paghandaan ang mga posibleng maging proyekto niya.

Huli syang nakita sa isang drama serye na 'Hanggang Saan'. Kung saan gumanap siya bilang Georgette.

Ngayon naman ay nakasali siya sa mga cast ng bagong Kapuso Primetime Series na 'First Yaya"



Kamakailan lang ay nagpost ng mga larawan itong si Maxine at ipinakita ang nangyayari sa kanilang lock-in taping.


Sa kanyang post noong November 26, ipinakita ni Maxine ang isang group photo kasama ang mga gaganap na selbidora sa presidential mansion na sina Cai Cortez, Kakai Bautista at Sanya Lopez.



Si Sanya ang gaganap bilang 'First yaya" o bida sa serye.

Batay sa caption ni Maxine mukhang siya ang gaganap na kontrabida.

You are lucky that I included you to my photoshoot Melody. Next time not anymore... 😏 #firstyaya


Ang 'First Yaya" ang unang proyekto ni Maxine sa GMA-7. 



Bago sumabak sa beauty pageant itong si Maxine ay marami narin syang naging proyekto sa iba't ibang network.




Anong masasabi nyo sa balitang ito? Maari mong i-comment ang iyong reaksyon sa ibaba.