Miss Manila, usap-usapan ng netizens matapos ang ginawang pan.lalait kay Hipon Girl sa Show ni Willie Revillame


 Nagviral sa social media ang usapan nina Miss Manila at ni Hipon Girl Herlene.


Nagsimula si Herlene bilang co-host ni Willie Revillame sa kanyang show na Wowowin. Dahil dito ay gumanda ang buhay niya at nagkaroon siya ng maraming trabaho. Marami rin ang natutuwa sakanya dahil sa galing at ganda ng kanyang humor.

Tinawag siyang 'Hipon Girl' dahil marami ang nagsasabi na mas maganda ang kanyang katawan kesa sa kanyang itsura.



Sa isang episode ng Wowowin nitong nakaraang linggo, ibinahagi ni Herlene ang kanyang naging karanasan kay Miss Manila na si Alexandria Abdon. Sinabi ni Hipon Girl na  tinarayan siya nito.


Dahil dito ay inimbitahn ni Willie si Alexandria na bumisita sa kanyang show upang magkaharapa sila ni Herlene.

Nung una ay hindi agad sumipot si Miss Manila dahil may mga prior commitment ito sa Tagaytay kasama ang boyfriend nito. Humingi siya ng paumanhin sa beteranong host dahil sa pagkaantala ng kanyang pag punta sa show at nakipag harapan kay Herlene.

At dito na nga nagumpisa ang kanilang mainit na usapan.

Sa katunayan naging viral ito online at marami ang pumuna kay Miss Manila dahil dito.

Nakatanggap ng hindi magandang komento mula sa netizens ang Beauty Queen dahil sa "offensive jokes" nito kay Hipon Girl.


May mga nagpost sa social media tungkol sa mga maling sinabi ni Alexandria at sa hindi maganda ugali nito.


Narito ang ilan sa kanila.





Narito ang kabuuan ng video: