Ka Tunying ibinahagi ang larawan ng kanyang anak na nakik!pagsapalaran sa sakit na Leukemia


Naging emosyonal si Anthony "Ka Tunying" Taberna ng ibahagi niya ang pinagdadaanan ng kanyang anak na babae.



Maraming netizens ang nagdarasal sa para sa anak na babae ni Ka Tunying dahil sa sakit nitong leukemia.



Si Anthony ay may dalawang anak na babae sa kanyang asawang si Rossel Taberna, sila ay sila Helga at Zoey.



Nitong December 2, nagbahagi si Taberna ng dalawang magkasunod instagram post tungkol sa pinadadaanan ng kanyang anak.




Ayon sa anchor kinalbo na umano ang kanyang anak na si Zoey dahil nalulugaas na ang buhok nito dahil sa chemotheraphy.


Saad niya, “Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito.“Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy.Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako.”



Inamin ng radio anchor na hindi niya mapigilan ang kanyang luha habang unti unting kinakalbo ang kanyang anak.

Ngunit aniya humanga siya sa tapang ni Zoey.



Sa isang post ni Anthony ibinahagi niya kung paano nila natuklasan ang sakit ng kanyang anak.

“Eksaktong isang taon na pala mula nung subukin ang aking pamilya ng isang karanasang hindi namin makakaya kung kami lamang.



“Bandang alas dos ng madaling araw, ginising ako ni Zoey na umiiyak dahil napakasakit daw ng kaniyang mga binti hanggang sa kaniyang hita.

“Nanalangin kami ng taimtim sa Ama at saka nagpasyang magtungo sa Delos Santos Medical Center.




“Andun kaagad ang aking Kumpadreng Doktor, si Doc Frank Detabali.

“Inasikaso kami pati ng kaniyang anak na Doktor din na aking inaanak na si Paola.”



Ang akala ng pamilya Taberna ay simple sak!t sa buto lamang ang dinaramdam ng kanyang anak. Ngunit di nila inakala na mas grabe pala ang magiging sak1t nito.


Sinabi niyang hindi sila tumigil manalangin sa panginoon para sa ikagagaling ng kanyang anak.







Hangad namin ang mabilisang paggaling mo Zoey!




Anong masasabi mo sa balitang ito? Maari mong ibahagi ang iyong opinyon sa ibaba!