Pinahanga ng isang Japanese boy ang mga netizens matapos kumalat sa social media ang kanyang mga larawan habang nagpupulot ng basura sa tabing dagat. Balat ng candy, plastic cup at wrapper ng mga chichirya ang ilan lamang sa mga napulot ng batang ito sa beach ng Alaminos, Pangasinan.
Hundred Islands National Park ang isa sa mga sikat na pasyalan sa lugar kung kaya't ito ay dinarayo ng mag turista.
Umani ng papuri ang ginawang paglilinis a beach ng batang ito gayun din ang kanilang magulang s syang nagpalaki sa kahanga-hangang Japanese boy.
Ang batang ito ay anak ng isang government employee sa Dagupan City na ang naging asawa ay isang Haponesa.
Ayon kay Hannah Galvez, CEO at Founder ng Olives, Inc. at Olives Language School na nagbbigay ng online and onsite courses sa Tokyo, Japan, itinuturo raw talaga sa mga Japanese students ang paglilinis ng kapaligiran.
Dagdag pa niya, ang paglilinis ng mga estudyante ng kanilang silid aralan ay upang matuto ang mga ito ng disiplina habang ang paglilinis naman ng kanilang paaralan ay upang maging responsable sialng mamamayan.