Ibinunyag ng mga kaibigan ni Vice Ganda kung ano talaga ang tunay na ugali nito sa likod ng camera.


Ibinunyag ng kaibigan ni Vice ganda kung ano talaga ang totoong ugali nito sa pamamagitan ng isang vlog.

Naibahagi ni Vice Ganda at ng Team nito ang mga detalyo tungkol sa comedian maging sa pagkakaibigan nila.



Ito ay sa pamamagitan ng kanilang vlog na pinamagatang “Nagbabagang Miss BBQ and A”


Ito ay 3-part vlog ng 'Unkabogable Star' at in-upload sa kanyang Youtube Channel. Dito ay sinagot nilang magkakaibigan ang ibat ibang katanungan. Nabuksan rito kung ano ang pinagdaanan nialng magkakaibigan at kung paano nga ba sumikat si Vice.


Habang nag ba-barbeque party sa pool sa bahay ng komedyante makikitang naroon din ang kasintahan ni Vice na si Ion.


Isa sa mainit na pinagusapan ay ang hindi magagandang ugali ni Vice. Nagsimula ito ng tanungin niya ang kanyang personal assistant na si Erna tungkol sa pinaka ayaw nya sa pagkakaibigan nilang dalawa.


“We have been friends for more than 20 years, ano ‘yung pinaka hindi mo gusto sa samahan natin?” Tanong ni Vice.



“To tell you honestly, guys, ang hindi ko talaga gusto kapag kasama siya ay ‘yung madaling mag-init ang ulo niya.” Sagot ni Erna.





Ipinakita pa nito kung ano ang ginagawa ni Vice Ganda pag gusto nitong makuha ang gusto o ang kanayang hinihingi agad agad.


“Madaling mag-init ‘yung ulo niya. Gusto niya—pak!—andiyan na agad.”


Ngunit may isang kaibigan silan na sinabi naman na, “Tsaka pagkilala mo naman si Ganda, yung mga ganoong talak wala ‘yun. ‘Di mo dadamdamin ‘yun.”




Dagdag pa ni Erna na kung hindi sa ugali ni Vice na ganun ay hindi nito mararating kung nasaan man ito ngayon.

Sa umpisa ay hindi umanong madali unawain si Vice pagdating sa ugali nito sa trabaho.



Sinabi pa ni Erna na dahil sa ugaling ito ng komedyante ay madami itong natulungang ibang tao.


a

Ito na umano marahil ang dahilan kung bakit maayos na nagagawa ng staff ang trabaho ng mga ito kahit na istrikto si Vice.



Anong masasabi nyo sa balitang ito? Maari mong I-comment sa baba kung anong reaksyon mo sa istoryang ito.