Billy at Coleen Crawford may mainit na mensahe sa mga bumabatikos sa pagpapalaki nila sa kanilang anak na si Amari



Sumagot ang mag asawang Billy Crawford at Coleen Garcia-Crawford sa isang netizen na nakikialam sa pagpapalaki nila sa kanilang anak na si Amari.



Sa kanyang Instagram account, ang proud mom na si Coleen ay nag upload ng isang video kung saan makikitang komportableng naka swaddle si baby Amari.

Cute na cute ang videong ito na tila ba nakikipaglaro pa si Amari sa kanyang ina.




Sa kabilang banda tila may nasabi parin ang ilan sa mga netizen na hindi maganda tungkol sa swaddle na gamit ni baby Amari.




Minention ng mag asawa sa comment section ng instagram ang isang @maysco.ca sinabihan nila huwag makialam sa kung papaano nila palakihin ang kanilang anak.





Bilang isang haligi ng tahanan na dapat magprotekta sa kanyang pamilya, unang naging comment ng singer host ay, "My wife is doing an amazing job raising our son. I salute and admire my love @coleen Don’t pay attention to these clowns. It’s God, you, me, and Amari that’s it!”
Dagdag pa ni Billy na huwag silang pangunahan at huwag silang pakialamanan kung paano nila palalakihin ang kanilang anak.



Ipinaliwanag rin niya kung bakit ang swaddle na iyon ang ginagamit nila para kay Amari. Sinabi niyang doon lamang komportable ang kanilang anak.




Worry about yours and let us worry and deal with our child. We are the one with him 24/7,” dagdag pa niya.




Sinabi pa nya na hayaan silang magpalaki sa kanilang anak.

Sumagot din si Coleen at sinabing gamitin ang kanilang mothers instinct sa kanilang anak at huwag sa anak niyang si Amari.

“I never asked for your advice, and I think we’re doing pretty good without it,” she said"




Sa ngayon ay deactivated na ang account ng nasabing b@sher ito ay dahil narin maraming fans ang nagtanggol sa mag asawa.