Apo ni Nanay Sonya na kumuha ng nagviral na video emosyonal na ikinwento ang detalye bago ang insidente.


Pinaunlakan ng panayam ng apo ni Nanay Sonya Gregorio na si Alyssa Colosing si Kabayan Noli de Castro.


Matinding pinaguusapan ngayon sa buong bansa ang pama.maril ng isang pulis sa mag ina nitong kapitbahay sa Paniqui, Tarlac.


Mabilis na kumalat ang viral video na ito sa social media na nakakuha ng atensyon ng maraming tao maging mga sikat na artista.


Dito ay marami ang talaga namang hindi nagustuhan nag ginawa ng pulis at marami at talaga naman halos isumpa na ito.


Sa gitna ng pagdadalamhati ay pinaunlakan parin ng panayam ng apo ni nanay Sonya na si Alyssa si Kabayan Noli De Castro sa programa nitong DZMM.


Isa si Alyssa sa matatapang na kumuha Ng video ng buong insidente. Sinabi niyang nagpaputok si Frank Gregorio ng 'boga' sa kanila mismong lupang pag aari  ng bigla dumating ang pulis na si Jonel Nuezca.


Nais ng pulis na arestuhin si Frank at doon na nagsimulang yakapin ni Lola Sonya ang kanyang anak upanh maprotektahan ang kanyang anak laban kay Nuezca.

“Yumakap na po siya kay Kuya Frank kasi aarestuhin daw po ng pulis. Pilit po siyang binibitbit.Napunit na nga po yung short niya, pero si Lola Sonya, ayaw niya pong bitawan.


Sa puntong iyon na nagsimula ang video kung saan ay bin.aril na nga ang mag inang Sonya at Frank.

“Kinuha niya po yung anak niya tapos naglakad lang po sila na parang wala lang…”

Nangyari ang insidente sa Purok 2, Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac linggo ng hapon.

Matapos ang isang oras ng insidente, sumuko si Nuezca sa Pangasinan Municipal Police Station.


Isinuko rin ni Nuesca ang kanyang PNP-issued 9mm semi-auto pistol na ginamit nya sa krimen.


Nagulantang ang marami ng madiskubre na mayroon ng mga dating kaso ng pagp@tay itong si Nuezca noong 2019 at nitong May 2020.


Ito na marahil ang dahil kung bakit madali lang nyang nakuha ang buhay ng mag inang Sonya at Frank.