Yexel Sebastian napaiyak ng masilayan ang anak nila ni Mikee Agustin

 


Sa isang facebook post kinumpirma ni Yexel Sebastian na nanganak na ang kanyang partner na si Mikee Agustin.





Walang pagsidlan ang kaligayan ng social media star. Sa oras na nailabas ng kanyang partner ang kanilang anak ay agad nya itong kinuhanan ng video at pinost sa social media.




Nauna na nyang in-upload ang isang litrato habang nakasara ang kurtina ng nursery room kung saan naroon ang kanilnag anak.



"Sa loob po nito andito na yung baby namin ni Mikee sobrang hirap na hirap po sya. Pero salamat sa Diyos dahil kinaya." Aniya.




Sa isa pang post, makikitang nasa loob ng nursery room ang kanyang anak habang nasa baby bed ito. Aniya hindi nya alam ang magiging reaksyon niya, kaya naiiyak na lamang sya sa labis na kaligayahan.




Matatandaang sa kakaibang paraan nila inanunsyo ang kanilang pagbubuntis.





Sa isang vlog nila ay gumawa sila ng prank para umano kay Vhong Navarro, sinabi nila ditong buntis si Mikee. Sa umpisa ng video pinakita nila na naglalagay sila ng mga damit sa loob ng damit ni Mikee upang magmukhang totoo ang kanilang pagpapanggap.





Ngunit sa huli ng video, ay ang mga manonood pala ang kanilang pina-prank. Sinabi nilang buntis talaga si Mikee at malapit ng manganak.




Simula ng kanilang pag amin ay panay na ang pagpopost ni Mikee ng kanyang baby bump. Pinakita rin nya ang kanyang  tiyan na pitong buwang gulang na.




Ngayong November 9, 2020 ay dumating na nga ang kanilang munting anghel.





Narito ang kabuuan ng post ni Yexel.


 

Anong masasabi nyo sa balitang ito? Maari mong i-comment sa baba ang iyong reaksyon.