Ibinenta agad ni Willie Revillame ang kanyang mga mamahaling sasakyan upang maibahagi sa mga b1ktima ng bagy0ng Ulysses.
Isang emosyonal na Willie Revillame ang humarap sa telebisyon habang pinapalabas ang kayang programang Wowowin.
Sa programang ito ng Kapuso Network, nagbigay ng pinakahuling balita ang host tungkol sa bagy0ng Ulysses.
Nakipag usap siya sa punongbayan ng Montalban Rizal na si Mayor Dennis Hernandez at Mayor Marcy Teodoro ng Marikina.
Sinabi niya sa kanyang programa na handa nyang tulungan ang mga taga Rizal at Marikina.
Ayon sa host ibinenta nya ang kanyang mamahaling sasakyan at kumita siyang ng 7-milyon mula rito.
Sinabi ni Willie na lahat ng kinita niya ay ibibigay niya sa Montalban at Marikina.
"bale ho 7 million, dadagdagan ko 'yun ng kaunting naipon ko magbibigay po ako ng 5 million sa Montalban at 5 million po sa Marikina."
"Aanhin ko ho yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag aari, pag aari mo na hindi mo kailangan. I think this is the right time."
Nilinaw ni Willie na hindi umano sya nagyayabang bagkus ay gust lang nyang tumulong sa abot ng kanyang makakaya.
"Ang perang ito ho eh, pero 'to para sa inyong kababayan. Eto po yung binabalik ko, 'yung pasasalamat ko sa mga taong nagmamahal sa programang Wowowin dito sa amin sa GMA, sa akin. Kung nasaan an po ako ngayon, kayo po ang nag-angat sa buhay ko eh. Binabalik ko to hanggat kaya kong tumulong."
"Kaya ko to sinasabi ho dahil ito yung totoong nararamdaman ko."
Hinangaan naman si Willie sa kanyang pagiging mapagbigay sa tuwing may ganitong pangyayari.
May ilan na nagsabi na sila daw ay nagdarasal para mas maraming biyaya pa ang dumating kay Willie.
Anong masasabi nyo sa kabaitan ng puso ni Willie Revillame? I-comment mo sa baba ang iyong reaction.