“Tips para matapos na yung module mo: sunugin mo!” Isang binata sinunog ang modules para magpasikat


 Dahil na rin sa pandemya at sunod sunod na kalami.dad ay naantala ang pasok ng mga estudyante. Ito ay upang maprotektahan narin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at mga guro.


Kung kaya't naging home schooling na lamang ang sistema ng pag-aaral ng mga bata at nitong Oktubre lamang ito nagsimula.


Ang ibang mag-aaral ay online class ang naging paraan ng kanilang pag aaral ngunit ang iba naman na walang kakayahan na magkaroon ng internet ay sa pamamagitan ng module na lamang. Ipinapamahagi ng guro ang mga aralin upanga masagutan ng mga mag-aaral at ito ay ipapasa ng mga bata sa itinakdang oras.



Kung mapapansin sa social media marami ang mga istudyante at magulang na nagpopost tungkol sa mga karanasan nila. Kabi-kabila ang mga reklamo at ang iba ay pinopost pa ang mga maling nakikita sa mga aralin na sinasagutan nila.


May mga napabalita pa na kinuha umano ang sariling buhay dahil sa sobrang stre$s at dami ng gagawin sa module.


May isang video naman ang mainit na pinag usapan ngayon dahil sa isang batang lalaki na gumawa ng video sa kanyang tiktok account. Sinabi nyang ito raw umano ang tips upang matapos agad ang modules. Maya maya pa ay unti-unting sinusun0g ng estudyante ang kanilang aralin.


Makikitang habang ginagawa ito ng estudyante ay tuwang tuwa pa siya na tila ba tama ang kanyang ginagawa. 



Maraming netizens ang nagalit sa kanyang ginawa. Maraming nagsasabi na hindi magandang halimbawa ang ginawa nito at tila nagpapasikat lamang ito sa social media. Sinabi rin ng mga netizens na nagpapakahirap umano at halos hindi na matulog ang mga guro para lamang magawa ang mga aralin sa module. 


Ngunit tila binab0y lang ng binatang ito ang mga aralin at ang masama  pa ay gayahin siya ng mga nakababatang estudyante  at akalaing tama ito.


Eto ang sinabi ng estudyanteng kinilalang si Marjo Guilaran, “Tips para matapos na yung module mo: sunugin mo!” sabay bukas sa lighter na hawak at sinindihan ang mga papel na hawak naman sa kabilang kamay at sumasayaw pa habang kinukunan ng video ang sarili.


 “Tapos ibigay mo yung abo sa teacher mo…” dagdag pa ni Guilaran habang tila ba nangaasar pa at ipinagmamalaki pa ang kanyang ginawa.


Eto naman ang naging reaksyon ng mga netizens.








Narito ang kabuuan ng video:




Anong masasabi mo sa ginawa ng batang ito? I-comment sa baba ang iyong reaksyon!