Syrian na nagbebenta ng ballpen kasama ang kanyang anak bigtime negosyante na


 Kamakailan ay nagtrending dito sa pilipinas ang isang Syrian refugee karga-karga ang kanyang anak sa social media. 




Marami ang naawa sa mag ama ng kumalat rin ang kanilang larawan sa bansang Lebanon. Makikita si Abdul Halim al-attar na nagbebenta ng ballpen habang hawak ang kanyang maliit na anak. Mapapansin ding maluha-luha siya habang ginawa ito. Marahil ay dahil naawa sya sa sinapit nilang mag ama at nais rin nyang maubos ang kanilang paninda.




Ang larawang  nagtrending ang naging daan niya upang matupad ni Abdul ang kanyang mga pangarap.


Ayon sa website na howtocare.net, nang mag-viral ang mga larawan ni Al-Attar ay may nag magandang loob na tulungan siya. Ang IndieGogo na isang crowdfunding site ay binigyan siya ng $191,000 o humigit kumulang na 10 million pesos.



Umabot na lamang umano sa $168,000 ang natanggap ni Al-Attar dahil sa mga processing fees at bank fees na kinaltas dito. Ngunit laking pasasalamat parin niya dahil sobrang laking tulong parin umano ito para sa kanilang pamumuhay.



Sa wakas ay natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan at negosyong panaderya.



Naging matagumpay ang kanyang negosyo at napalago niya ito.




Kumuha rin sya ng labing anim na empleyado na kapwa nya rin Syrian Refugees upang matulungan din umano ang mga ito.




Dahil sa kanyang kabutihang loob ay naging matagumpay at maganda ang kinita ng kanyang panaderya dahil sa pagbebenta ng masasarap na tinapay at shawarma.



Napagaral nya ang kanyang anak na halos tatlong taong nahinto. Nai-enrol pa nya sa magandang eskwelahan at nabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. 



Dahil sa kanyang kababaang loob, pagsusumikap, at pagtityaga siya ay umasenso at nakamit lahat ng kanyang minimithi sa buhay na noon ay tila panaginip lamang. Labis ang pasasalamat ni Al-Attar sa lahat ng taong naniwala at tumulong sa kanya.



Panoorin ang video:







Nakaka-inspire ang istoryang ito. Ano masasabi mo dito? may kilala ka bang ganito din ang naging kapalaran? Maari mong i-comment sa baba.