"So many regrets", Jake Zyrus nagsalita na sa mga bagay na pinagsisihan nya noon.


 

Lahat tayo ay may mga pagsisisi sa ating buhay. Tayo ay tao lamang kaya't kung minsan nakakagawa tayo ng mga pagkakamali. Ngunit ang mga pagkakamaling ito ang magpapatatag sa atin at magtuturo ng magandang leksyon.




Tila ba itong singer na ito ay mayroon ding mga pagsisisi sa kanyang nakaraan, ngunit sa halip na malungkot ay mas ginawa nya itong mas maganda at mas maayso para sa kanyang sarili.




Nagkaroon si Jake Zyrus ng isang media press conference para sa kanyang pinakabagong proyekto. Isang dokumentaryo na pinamagatang Jake and Charice.


Alam naman nating lahat na bago siya makilala bilang Jake Zyrus ay nakilala muna siya bilang Charice Pempengco.


Kung ating babalikan, si Charice naging sikat si Charice at nakilala hindi lang buong Pilipinas maging sa iba't ibang panig ng mundo. Siya ang Pinay singer na nakabisita na sa shows nila Oprah Winfrey at Ellen Degeneres. 







Naging parte rin sya ng sikat na palabas na Glee at nagkaroon ng pagkakataon makasama ang sikat na singer na si Iyaz para sa kanyang kanta na Pyramid.






Dahil dito ay hindi na napigilan ang kanyang pagsikat sa buong mundo. Nakaya pa nyang tapatan ang boses nila Mariah Carey, Celine Dion and Beyoncé.




Masasabi nating nakuha lahat ni Charice ang pinapangarap ng isang singer noon.



Ngunit dumating sa punto na lumantad sya at umamin na isa syang lesbian noong 2013.


At doon ay tinawag nya ang sarili nya bilang Jake Zyrus.



Simula noon ay tila tumamlay na ang karera niya.



Ngunit hindi nya umano pinagsisihan ang nangyaring ito sa kanyang buhay, sa halip ay tinanaw nya ito bilang isang positibong bagay.


"so many regrets... siguro po noong hindi ko pa nare-realize na 'yung regrets na 'yun will turn into something beautuful. Kasi diba sometimes in our life parang masasabi mo na 'I regret doing this' but syempre the more na marami akong maexperience sa buhay ko, the more na narealize ko na those regrets happen, I'm glad na those pain and regrets happened because doon ko rin na realize kung ano ba ako, kung sino ba ako, kung ano ang magagawa ko in the future." Saad niya.




Nasabi rin ni Jake na lahat ng kanyang pagsisi ay ginawa nyang mas maganda at kapakipakinabang para sa kanya. 


"Sometimes maiisip mo sya as regrets but no! Hindi ko rin madidiscover kung ano ako ngayon if I didn't go with this process" dagdag pa niya.


Samantala hindi pa kinokompirma kung kailan ang pagpapalabas ng dokumentaryo ng kanyang buhay.