Sanya Lopez, handang alagaan si Kuya Will hanggang pagtanda?



 Si Sanya Lopez ay isa sa may pinakamaningning at pinaka magandang artista ng GMA Network kung kaya't maraming mga kalalakihan ang nahuhumaling sa kanya.



Bukod sa pagiging maganda, marami rin ang bilib sa kanyang sense of humor kaya naman hindi maiiwasang mapabilib din si Willie Revillame.



Sa  isang episode ng Wowowin naging panauhin si Sanya ng nasabing palabas. Tinanong sya rito kung maari ba syang magkagusto sa isang lalaki na katulad ni Kuya Will.


Noong una ay inaasar pa ni Kuya Will and dalaga tungkol sa mga manlilligaw nito.


Pagbubunyag ni Willie, "Ang nanliligaw sakanya ay si Michael Pangilinan"



Agad naman itong pinabulaanan ni Sanya, "Ay hindi po"

Pabirong sagot ng host "Sinungaling ka!"


Pinatugtog pa ni Kuya Will ang isa sa mga kanta ni Michael na Bakit Ba Ikaw.




Ngunit mas naging seryoso pa ang usapan nila ng tanungin ng host si Sanya kung ano ang pangarap nitp sa buhay bukod sa pagiging artista.


Nakakagulat naman ang naging sagot ng dalagang aktres "Pangarap ko sa buhay ko? Ikaw lang"


Sumagot naman si Willie na matanda na sya para sa dalaga dahil 59 anyos na sya malapit na umano sya mag 60-anyos sa dadating na Enero.



Sumagot naman ang co-host na si Donita Nose, "kahit ano naman ang mangayari sa atin ang importante ay yung pagmamahal"


Matapos ito ay tinanong namang ng host kung handa ba magmahal si Sanya na halos lolo na niya.

"Eh pagdating naman sa pagmamahal, alam mo wala namang pinipili 'yan"



"Pangalawa kaya ka nagmahal kasi gusto mo syang tulungan" Sagot ni Sanya.



"Tulad mo, ayaw mo nun pagdating ng panahon ako naman ang tutulak ng wheelchair mo?" dagdag pa nya.







Sagot naman ni Kuya Will "Napaka sweet nya no? so handa kana?!"


"Oo kasi yung isang room dito sa Will Tower nakapangalan na sakin" Tuwang tuwa naman ang lahat ng nasa studio sa sinabing ito ni Sanya.


Narito ang kabuuan ng video.






Maari mong i-comment sa ibaba ang iyong reaksyon sa balitang ito.