"Sabihin mo lang kung magkano ang halaga ng pustiso mo" Isang lalaki handang tulungan ang pamilya ni Michelle.

 

Tila nakahanap na ng tutulong sakanila ang pamilya ni Michelle.


Sa huling episode ng Tekla and Michelle series sa programang Raffy Tulfo In Action, matatandaang hindi tinuloy ni Idol Raffy ang dapat na pag tulong nya kay Michelle at sa pamilya nito dahil sa pag atras nito sa hair follicle dru6 test.



Dagdag pa rito sinabi rin ng host na makikipag unayan siya sa DSWD upang tignana kung may kakayanan ba si Michelle na alagaan ang lahat ng kanyang pamangkin at ang anak nito kay Tekla.

Nang marinig ito ni Michelle ay biglang bumuhos ang luha niya at sinabing binawalan lamang sya ng tita nya na gawin ito. 



Maging ang kapatid nyang si Ashley ay gusto ring magsalita ngunit hindi pumayag ang host.




Matapos ang ilang araw, tila nakahanap na ng bagong tutulong sa kanila ang pamilya ni Michelle.


Nag-upload ang kanyang kapatid na si Ashley Makyut ng video ng isang lalaki na tinawag nyang Kuya Rashid.


Sinabing ang lalaking ito ang tutulong sakanila at magbibigay saknila ng pera para sa pagpapapustiso ni Michelle.



Matatandaang ang pustiso ang isa  sa mga pangakong tulong ni Idol Raffy upang maging presentable umano ito kung sakaling maghanap ng trabaho.



Sa kabilang banda, sa nasabing video sinabi ng lalaki ay handa syang tumulong sa pamilya.



"Bilang kababayang Pilipino, Michelle, kung nag withdraw na ng suporta si Idol Raffy, kami po ay nakahandang tumulong, sabihin mo lang kung magkano ang halaga ng pustiso mo" Saad ni Rashid.


Sinabi nitong handa silang tumulong bilang kapwa Pilipino.


Narito an kabuuan ng video.



Anong masasabi mo sa balitang ito? maari mong icomment ang reaksyon mo sa baba.