Rudy Baldwin, May LIMANG nakakakilabot na prediksyon na gigimbal umano sa atin

 


Si Rudy Baldwin ay isang self proclaimed 'phychic'. Nagsimula lang dumami ang mga naniniwala sakanya ng magpost siya sa kanyang facebook account ng mga mangyayari umano sa hinaharap. 


Karamihan sa kanyang mga facebook post ay nakakatakot at talaga namang kagimbal gimbal.





May ilan naring naging nagpatunay na nagkakatotoo nga ang kanyang mga pangitain. Nasasabi rin nya kung may mamamatay na sikat na personalidad or may malaking sakunang mangyayari.


Nito lamang ay ibinunyag nya ang mga bago nyang pangitain sa kanyang panayam kay Korina Sanchez.




Sa kanyang panayam sinabi nyang mayroon siyang limang pangitain sa susunod na taon, 2021.


1. Isang pinuno o leader ng bansa na ang pangalan ay tumatak ang masasawi ng biglaan.



"Yung pangalan nya ay tumatatak talaga, nasawi sya mismo kung saan sya mismo nakatayo kasi nakita ko sya nakatayo sa maraming tao." saad ni Baldwin.  Dagdag pa nya, pwede rin umanong masawing tulog ang leader na sinasabi niya.


2. Malaking Trahedya sa karagatan



Sinabi niyang magkakaroon ng isang malaking sakuna sa karagatan na daan-daang mga tao ang mamamatay.

"Hindi ito biro malaki po ito. Malaking barko kung saan maraming tao ang nakasakay. After malunod ng malaking barko, marami ang nawala." 


3. Magluluksa ang buong showbiz industry dahil sa tatlong artistang babawian ng buhay



Sinabi ni Baldwin na ang buong industriya ng showbiz any magluluksa sa biglaang pagkawala ng tatlong sikat na artista. Aniya ang magiging dahilan ng pagkamatay ng mga ito ay matinding karamdaman, nanakawan sa loob ng bahay at doon papatayin, at aksidente dahil sa hindi pag iingat.


4. Muling pagaalburuto ng Bulkang Taal


Sinabi rin niya na muling magkakaroon ng sakuna sa Bulkang Taal. Ngunit sa pagkakataong ito ay mas magiging malaki at mapangnib ito kumpara sa nangyari noon Enero 2020.

"Traydor ang Taal, paparamdamin ka ng katahimikan, bila ka nalang bubulabugin. Sasabog po sya talaga ulit"


5. Mas malalang hagupit ng kalikasan.



Sinabi ni Baldwin na mas matindi ang mararnasan na haguppit ng kalikasan. Maging ang mga krimen umano ay dadami at mas titindi rin kaya maghanda umano tayo sa mga ito.


Narito ang buong video ng kanyang panayam.




Anong masasabi nyo sa kanyang mga predisyon? Naniniwala kaba sa mga ito? Maari mong i-comment sa baba ang iyong mga palagay.