Mga Artistang Labis na Nagmahalan Noon Close Friends Nalang Ngayon

"You can never just be friends with someone you fell in love with." Isa yan sa mga kalimitang nababanggit ng mga magka-relasyon na nauwi sa hiwalayan, ng mga magkarelasyong nagtapos nang may hindi pagkakaunawaan o may mabigat pang dahilan.

Ngunit hindi yan ang sagot ng mga Pinoy Celebrities na ito na bagamat hindi nauwi sa panghabang-buhay ang kanilang mga relasyon at hindi maitatanggi na itinuturing nila na kaibigan ang isa't isa sa panghabang panahon.

Tingnan ang mga Pinoy Celebrity Couples na nananatiling magkaibigan pagkatapos ng kanilang mga break ups.


1. Richard Gomez and Dawn Zulueta


Tulad ng kanilang walang kupas na loveteam at fanbase ang kanilang pagkakaibigan ay nanatiling matatag matapos nilang maghiwalay. 

Sa isang panayam nitong buwan ng Hunyo, Sinabi ni Richard, "Kasi kami ni Dawn when we were young, mag-boyfriend and girlfriend kami pero when we split up, we remained friends. Kahit hindi na kaming dalawa, 'yung relationship namin naging friends kami."




2. James Reid and Nadine Lustre


Naghiwalay ang dalawa niton January 2020. Ngunit pagatapos nilang maghiwalay ay patuloy paring nagsasama ang dalawa sa ibat ibang proyekto maging sa paglabas kasama ang kanilang barkada.



3. Derek Ramsay and Solenn Heussaff


Naghiwalay sina Solenn at Derek noong 2006 makalipas ang apat na taong relasyon.

Matapos ang sampung taon nagkasama sila sa isang pelikula na pinamagatang "Love is Blind" (2016). Sa kanilang presscon sinabi ni Derek na "We're very good friends, we confide in one another about our problems, about our happiness, that's so much better."


4. Mark Herras and Jennylyn Mercado


Parehing nanalo sa programang startstruck and dalawa. Sa isang panayam, Sinabi ni Jennylyn na, "Yung relationship namin, 'yung friendship namin, solid pa rin. Gusto naming maging role models sa mga love teams na magkakaibigan, sa mga mag-ex na pero friends pa rin talaga kahit ano ‘yung pinagdaanan namin at kahit anong mangyari."



5. Romel Padilla and Karla Estrada


Si Karla at si Rommel ang magulang ng superstar na si Daniel Padilla. Matagal ng hiwalay ang dalawa at ngayon ay malapit ng magkaibigan.

Sa isang post sinabi ni Karla na "Lahat ay lilipas, lahat ay magpapatawad at sa huli lahat ay magiging masaya. Para sa anak, mula sa ina."



6. Robin Padilla and Sharon Cuneta


Napanitili ni Robin at Sharon ang kanilang pagkakaibigan sa loob ng maraming taon. nakagawa pa sila ng isang comeback movie nila na "Unexpectedly Yours" noong 2017.


Sa isang facebook post sinabi ni Sharon na, "He happens to be the closest to me among my exes, and truth be told, it took a long time - many years - for us to reach this stage, dahil sa hindi masasayang parte ng history namin, kaya mahalaga sa akin ang maalagaan ang friendship namin na ito."


7. Piolo Pascual and KC Concepcion



Matapos ang kanilang kontrobersyal na paghihiwalay noong 2011, Naging magkaibigan parin sina KC at Piolo.

Sinabi ni KC nitong June 2020 na "Naging magkaibigan talaga kami. Alam ni PJ na talagang I cared about him. Kaya rin ako hanggang ngayon, alam niya na I worry for him."



8. Ogie Alcasid and Michelle Van Eimeren


Naging maayos ang paghihiwalay ni Ogi at ng dati nitong asawa na si Michelle. Sa katunayan ay naging malapit na magkaibigan nya ang asawa nito ngayon na si Regine Velasquez.


9. Sam Milby and Anne Curtis


Nagtagal ang kanilang relasyon ng apat na taon bago sila naghiwalay. Matapos nilang maghiwalay  ay naging maayos sila at nakagawa pa ng ibat ibang proyekto.


Habang pinopromote nila ng kanilang pelikula na "The Gifted" (2014). Sinabi ni Sam na "Meron kaming past. Siyempre nagsimula doon sa 'Maging Sino Ka Man'. Four years na wala kaming project together. Masaya naman. Parang starting over again 'yung friendship namin sa 'Dyesebel', tapos dito sa movie."



10. Richard Gomez and Sharon Cuneta



Naghiwalay sila noong pang 90's. Sinabi rin ni Megastar na si Richard ang isa sa kanyang "greatest loves"

Sa isang panayam sinabi ni Sharon na "I know Richard [since] forever and he’s my friend"


Anong masasabi mo sa balitang ito? may kilala ka bang sikat na artista na noon ay nagmamahalan ngunit ng maghiwalay ay naging malapit na magkaibigan? Ishare mo sa amin. maarin kang mag comment sa baba.