Pan!nira umano ni Kiray kay Buboy Villar ibinunyag ni Mystica!





Muling naglabas ng sama ng loob at galit itong si Mystica kay Kiray Celis. Ngayon ay kasama naman ang kanilang co-star na si Buboy Villar.



Noong una ay nasabi ni Mystica ang sama ng loob niya sa show na Owe My Love, sinabi rin nya ang mga dahilan kung bakit ayaw niyang kasama sa isang kwarto si Kiray Celis. Ngunit hindi naman nagsalita si Kiray tungkol rito.


Nagsimula ito ng simulan ang lock-in taping ng naturang palabas sa isang resort sa Bocaue, Bulacan.



Nung una pa lamang ay sinasbi na ni Mystica na ayaw nyang makasama sa isang kwarto ang aktres na si Kiray.



Dagdag pa nito na ang dahilan daw ay magkaiba raw ang paniniwala nila ni Kiray pagdating sa privacy. Ngunit umpisa pa lamang ay marami na itong reklamo sa taping. Sinabi niya na hindi umano siya sinabihan na lock-in taping pala ang mangyayari at kailangan nilang manatili sa isang resort, panagalawa ay ayaw niyang ay may makasama sa isang kwarto.



Sinabi rin niyang taken for granted siya ng mga staff ng nasabing palabas dahil umano hindi siya binigyan ng almusal. Ito na ang naging dahilan kung bakit siya umalis ng resort at nagbanta pa na magsasampa ng reklamo. 


Samantala, naglabas ng opisyal na sagot ang pamunuan ng Owe My Love noong November 24 tungkol sa mga isyung binabato ni Mystica.


Ngunit lahat ng ito ay hindi malinaw na nasagot ng sa statement na kanilang inilabas.

Kahit na naglabas ng statement ang pamunuan ng Owe My Love ay patuloy parin ang pagsasalita ng di maganda ni Mystica tungkol kay Kiray sa kanyang vlog.





Isa sa matitinding sinabi ni Mystica ay ang sinabi umano ni Kiray na masam tungkol sa co-star nilang si Buboy Villar. 


Sinabi ni Mystica na kung ano anong masasamang salita ang sinabi ni Kiray tungkol kay Buboy.


Sinabi umano ni Kiray na "Maitim" at "Dugyot" si Buboy.



Ngunit sinabi ni Kiray na magkaibigan sila ni Buboy. 



Nais ring sumagot ni Kiray sa lahat ng ibinabato sa kanya ni Mystica ngunit sinabihan sya ng pamunuan ng show na huwag ng sumagot at tumahimik na lamang.


Narito ang video ni Mystica