Dahil sa lakas ng ulan at hanging dala ng bagy0ng Ulysses maraming kabahayan, kabuhayan ang napinsanla.
Napabalitang sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya, gumuho ang lupa sa tatlong sitio ng Barangay Runruno.
Nalubog naman sa tubig ang ilang bahagi ng mga barangay ng Calao East, Calao West, Batal, Sinsayon, Rosario, Malvar at Malini.
Sa Pagudpud, Ilocos Norte, gumuho rin ang lupa sa kalsada at pahirapan ang clearing operations dahil sa kapal ng putik.
Umapaw naman ang ilog sa Santiago City, Isabela Huwebes ng umaga. Umabot ang tubig sa bubong ng ilang bahay sa Brgy. Mabini.
Sa Tuguegarao City, lagpas tao ang naging baha kung kaya't may mga recuers na nakuryente at nas4wi habang nagliligtas ng mga tao.
Sa ngayon ay unti unti ng humuhupa ang baha sa ibat ibat parte ng bansa. Nagsisimula narin ang iba sa mga clearing operations.
Sa Cauayan City, may mga inililikas pa rin dahil sa tumitinding baha. Sa bubong na ng kanilang bahay inabutan ng mga rescuer ang ilang residente.
Dahil sa mga pangyayaring ito hindi maawat ang ilang Pinoy na mahabag at tumulong sa mga nangangailangan. Ngunit ang masakit dito ay habang ang lahat ay naghihirap at nagtutulungan may mga tao naman na mapagsamantala.
Katulad na lamang ng isang taong ito na naibulgar sa social meadia. Nangangalap ang taong ito ng donasyon para sa kanayng sariling interes.
Narito ang ilan sa kanila.