Mystica, umayaw sa lock in taping dahil ayaw kasama si Kiray Celis sa isang kwarto


Trending  nanaman ngayon si Mystica matapos nitong manggalaiti dahil ayaw nitong kasama sa iisang kwarto ni Kiray Celis. 


Nagsimula ito ng magsimula ang taping ng Owe My Love, ang bagong comedy drama na ipapalabas sa GMA ang taping ay sisimulan sa isang resort sa Bocaue, Bulacan.


Ilan sa mag karakter na aabanagn sa palabas ay sina Mystica, Kiray Celis, Winwyn Marquez, Buboy Villar, Nova Villa, Benjamin Alves and Lovi Poe.



Dahil sa new normal, ang lahat ng cast ay sumailalim sa Covid-19 swab test. Ito ay kailangan para health protocol labas sa kumakalat na v!rus.



Dahil dito ay hindi pinapayagan lahat ng staff at cast ng palabas na umalis sa lugar g taping hanggat hindi tapos ang mga episode na dapat nilang gawin.


Hindi rin pinapahintulutan ang pagbisita sa taping lalo na kung wala itong kinalaman sa pagbuo ng show. Hindi rin sila tumatanggap ng bisita lalo na kung wala itong swab test.


Sa simula pa lamang ay marami ng pag-aalala itong si Mystica tungkol sa ganitong set up. Sinabi nitong hindi siya sinabihan na mala-lock-in pala umano sila.


Sinabi rin nya na ang ibang artista umano ay may sari-sariling kwarto ngunit sila ni Kiray ay kailangan magsama sa iisang kwarto.


Dagdag pa niya ang dahilan kung bakit ayaw nyang makasama ang batang aktres ay magkaiba umano sila ng lifestyle at magkaiba sila ng prinsipyo ukol sa privacy.

Sinabi pa ni Mystica na sya raw ay tine-take for granted ng mga staff dahil hindi umano siya dinalhan ng almusal ng mga ito kahapon November 22.


Ito ang huling dahilan ni Mystica upang tuluyang lisanin ang resort.



Kumuha pa siya ng video bago siya umalis ng resort. Sa huli ay sinabi rin ni Mystica ay magsasampa umani ng kaso tungkol sa nangyari. 



Narito ang video.