Maswerteng Pinoy na Nakabihag sa Puso ni Maria Ozawa

 


Naging maingay ang relasyon ng dalawa ng sila ay ay mag post ng larawan na magkasama sa kani-kanilang instagrama account.



Ngunit mas pinili nilang manahimik at huwag kumpirmahin ang kanilang relasyon sa publiko. Maraming kaibigan at kakilala nila ang nagpahatid ng pagkagalak at binati sila sa kanilang relasyon.


Ngunit sino nga ba itong si Jose Sarasola na bumihag sa puso ni Maria Ozawa?



Si Sarasola ay unang nakita na sumali sa isang palabas noon ng ABSCBN na Pinoy Fear Factor. Matapos ito ay pumasok naman sya sa pag aartista. may mga pinagbidahan syang mga palabas at mga pelikula.



Sa ngayon ay pagmamay-ari nya ang the avenue 75 Sports Bar in BF homes, Parañaque City kung saan laging pumupunta si Maria Ozawa.


Hindi na nagulat ang kanilang mga taga hanga sa naging relasyon ng dalawa dahil bago pa man umugong ang balita ay madalas ng magkasama sa mga mahahalagang okasyon ang dalawa.






Nakita ring magkasama sila tuwing Valentines day at sabay na nagpasko noong nakaraang taon. 



Makikita rin  ang dalawa na magkasama sa tuwing nagbabakasyon. Matatandaang sinabi noon ni Maria Ozawa na naghahanap talaga siya ng Filipino na kasintahan.



Tinanong sila patungkol sa estado ng kailang relasyon lalo na ngayon at pandemic at magkalayo sila sabi ni Jose, "I think it's really hard. I think any couple that goes thru LDR  would fid this time very challenging sinc we are not together"



Dagdag na ni Jose na ilang buwan narin ang nakalipas simula ng bumalik si Maria sa Japan at inamin nyang nahihirapan syang hindi ito lagi makasama.



Pinapanatili nilang maayos ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon ng dalawa.


Anong masasabi nyo sa istoryang ito? Maari mong i-comment sa baba ang iyong reaksyon.