"Mas makikilala nyo ako yung totoong Idang" Makaganda at Merck, naging emosyonal sa muling pagkikita.

 


Naging usap usapan nga ang mga isyu ni Makaganda (Caffey) at Makagwapo (Merck) ng ito ay magtrending at maipalabas sa Raffy Tulfo in Action.



Matatandaang naglive video si Caffey Namindang sa kanyang facebook account. Sinabi niya na gianagamit lamang sya ni Merck para sa content ng kanyang mg videos. Sinabi rin nyang planado ni Merck lahat ng vidoe nila at scripted umano lahat ito.


Dagdag pa nya pati pamilya nya ay nagamit na parang robot para kumita ito sa youtube.





Isinapubliko rin ni Caffey ang kanilang mga naging usapan at masasakit na salita na sinabi sakanya ng mapanood ni Merch ang kanyang live video.


Ngunit sa huli kabutihan at pagpapatawad parin talaga ang mananaig.




Sa huling episode ng kanilang serye sa Raffy Tulf in Action, naging emosyonal ang dalawa ng magpaalam sa isat isa.



Naging emosyonal si Caffey habang nakikipag usap sya sa kanyang Ex-boyfriend na si Merck. Nagkasundo ang dalawa na maghati sa lahat ng kinita sa youtube at hindi na muling magbalikan.


Halos kalahating milyon din ang nakuhang bahagi ni Caffey na kinita umano noong nakaraang buwan.


Dagdag pa rito ang isang sports car na nagkakahalaga ng 1.5 milyong piso at ang kanilang computer shop na may sampung computer unit.


Sa comment section ng kanilang video sinabi ni Caffey na hindi na kailangan mag alala pa ni Merck dahil napatawad na siya nito sa lahat ng kanyang nagawa.


Pinaalalahanan din nya ang kanyang mga taga hanga na hindi na sya tatawaging "Makaganda" simula ngyon kundi sa tunay na nyang pangalan.


"Wag kang mag alala, pinatawad na kita at pinaaya na kita. Salamat sa lahat ng nagmahal sa amin. Salamat mahal namin kayo. Makaganda is signing off. Pero ako'y babalik pero hindi na si Makaganda, mas makikilala nyo ako yung totoong Idang" saad niya.



Narito ang kabuuan ng video ng kanilang pamamaalam.




Anong masasabi mo sa istoryang ito? totoo kayang nagkapatawaran na sila? I-comment mo sa baba ang iyong reaksyon.