"Magkita tayo kay Raffy Tulfo" Isang Misis nagbabala kay Ivana Alawi

 


Trending ngayon ang post ng isang misis, nabuking niya ang kanyang mister na laging naka-like sa halos lahat ng post ni Ivana Alawi.


Sa post ni Jane ni Jane Duranggo, ipinakita niya sa facebook ang mga sexy at mapang-akit na larawang ng sexy actress kung saan laging nakalike ang kanyang asawang si Richard Peter Tupas.




Pabiro nyang sinabi na  kailangan nilang magkita ni Ivana Alawi sa Raffy Tulfo In action upang pag usapan ang bagay na ginawa ng kanyang asawa.

"Calling the attention of Ivana Alawi sumosobra kna ah. Magkita tayo kay Raffy Tulfo In Action di nga yan makapaglike ng posts ko, sapilitan pa" Saad ni Duranggo.


Marami ng naging kasong nilutas ang Raffy Tulfo in Action patungkol sa ga misis na niloko ng mister. Kaya siguro ay ganito nalang ang naging biro ng misis.


"Richard Peter Tupas di naman tayo aabot kay Sir Raffy Tulfo in Action basta ayusin mo paliwanag mo sakin ha?" dagdag pa niya.




Pero nilinaw naman ni Jane na biro lang ito at pinuri pa nga ang angkin na kagandahan at nakaka-akit na katawan ni Alawi.




"P.S. Baka mamisinterpret ng iba.. Yung pagkakasabi kong sumusobra na si Ivana, what I mean is sa sobrang kasxyhan at kagandahan niya Idol sya ng asawa ko nakakainis lang kasi pala'react sya dun kesa saken di naman po kami aabot kay Sir Raffy Tulfo," ani Duranggo.




Nagulat naman si mister dahil nagtrending ang post ng kanyang misis at nagpacomment sa post nito.

"HALA.. San mo nakuha yan? Dami kong tawa dto. Lakas mo." ayon kay Tupas

Umani ng ibat-ibang reaksyon ang post na ito ni Duranggo at umabot na sa 64,000 reactions, 200 comments at 23,000 na shares sa loob lamang ng isang araw.



Narito ang kanyang buong post.



Calling the attention of Ivana Alawi. sumusobra kna ah. Magkita tayo kay Raffy Tulfo In Action di nga yan makapaglike sa mga posts ko, sapilitan pa.

"P.S. Baka mamisinterpret ng iba.. Yung pagkakasabi kong sumusobra na si Ivana, what I mean is sa sobrang kasexyhan at kagandahan niya Idol sya ng asawa ko  nakakainis lang kasi pala'react sya dun kesa saken  di naman po kami aabot kay Sir Raffy Tulfo "





Anong maasabi nyo sa post na ito? I-comment sa baba ang iyong reaksyon.