Matapang na sumugod sa ulan at baha ang mag asawang Jericho Rosales at Kim Jone supang tumulong sa kanilang mga kapitbahay sa Marikina.
Maging ang mga artistang ito ay naramdaman din ang hagupit ng bagyong Ulysses kung kayat alam nila na nangangailangan din ng tulong ang kanilang mga kapitbahay.
Imbis na magpahinga at ligtas na manatili sa kanilang mga bahay ay hindi sila nag atubiling tumulong sa alam nilang nangangailangan.
Nakatira sila sa isang subdivision sa Tumana, Marikina na nasa ilalim ng signal number 4 habang rumaragasa ang bagyong Ulysses.
Mahilig ang mag asawa mag surf boarding kung kayat ito ang ginamit nila upang makalabas at icheck ang kanilang nasasakupan. Sa isang video na ibinahagi ng DZMM sinabi ni Jericho Rosales ito,
"Morning paglabas namin, baha na. Usually pag baha ganyan talaga, laging ganyan ang problema." Saad niya.
Dagdag pa nya, "So naglabas kami ni Kim ng surfboard chineck lang namin. Okay naman sila safe naman sila, thank God"
Ngunit may mga lugar na hindi parin talaga mapuntahan dahil sa walang mga bangka pa na pwedeng gamitin.
"May mga iba pa na hindi makapunta ang rescue teams kasi malakas na ang agos. Wala pang boats"
May mga firetruck din sa paligid habang ginagawa ang panayam kay Jericho.
Ngayong araw nga ay bumaba na ang antas ng bagyo sa Marikina mula signal number 4 papuntang signal number 2.
Matatandaang isa ang Marikina sa mga siyudad na madaling bahain. Kung kayat pag umulan o magkaroon ng bagyo ay hindi ito nakakaligtas at marami ang lumulubog na kabahayan.
Narito ang buong panayam kay Jericho.