"Kapag masipag ka mas marami kang kita" Jason Francisco Nangangalakal na lang?



Pinuri ng mga netizens si Jason Fancisco na asawa ng magandang buhay host na si Melai Cantiveros



Nagsimula ang pag iibigan ni Melai at Jason ng sila ay pumasok sa PBB o Pinoy Big Brother.


Sa dinami dami ng nagnais pumasok sa bahay ni Kuya ay isa sila sa mga pinalad na makapasok kaya masasabi nating nakatadhana sila para sa isat isa. Matapos ang tatlong taon ng pagiging magkasintahan ay nagpakasal rin ang dalawa.


Matatandaang marami ring pagsubok ang pinagdaan ang dalawa bilang magkasintahan at magasawa.



Nasabi rin nila sa isang panayam kung paano sila nagkabalikan matapos ang anim na buwan ng paghihiwalay.


Ayon din kay Jason mas naging matatag sila nung sila ay naghiwalay dahil nakaya nilang ipaglaban ang isat isa at maging malakas para sa kanilang mga anak.


Ngayon ay masaya sila kasama ang kanilang dalawang anak.


Sa kanilang youtube channel, binabahagi nila ag pang araw araw na buhay nila.


Sa kanilang vlog ay sinubukan ni Jason mangolekta ng basura sa kanilang mga kapitbahay. karaniwan nyang kinukuha ay plastik na bote at mga pwedeng irecycle na mga basura at ibebenta ito sa junkshop.




Gustong malaman ni Jason kung magkano ang kaya niyang kitain sa pamamagitan lamang ng pangangalakal.


Nung una ay humahanap lang sya ng kalakal sa kanilang likod bahay ngunit lumibot narin sya sa kanilang mga kapitbahay.


Masaya ang kanyang mga kapitbahay habang ginagawa ni Jason ang challenge na ito.




Makikitang masaya si Jason habang ginagawa ito. Sa katunayan ay nagbibiro pa sya sa bawat hintuan niyang bahay.



Sa huli ay napagdesisyunan narin nyang ibenta ang lahat ng kanyang nakalakal. Kumita siya ng 45 pesoss mula rito.


Kahit na umano maliit ang kinita niya ay naging masaya naman umano sya habang ginagawa ang challenge.



Pinuri pa nya ang lahat ng nangangalakal at sinabing humahanga siya rito.


Maaring mapanood ang buong vlog nila rito.