Kung kaya marami ang pumasok sa larangan ng online selling upang kahit nasa bahay ay kumita parin ngayong pandemya.
Ngunit ang nakakalungkot dito ay may mga tao parin talaga na pilit kang hihilahin pababa sa oras na nakikita nilang nasusumikap ka sa buhay.
Tulad na lamang ng post ng isang netizen na nagngangalang Joy Ann Perez. Ipinakita nya sa facebook ang screenshots ng kaibigang nang insulto sakanya dahil sa kanyang pagpopost ng paninda online.
“Tinda pa rin Joy Ann? nakakasawa mga posts mo girl sa totoo lang” sabi ng kaibigan niya.
Hindi nagustuhan ni Joy Ann ang sinabi ng kanyang kaibigan kaya tinanong niya ito kung ano ba ang problema sa kanyang mga posts.
“Luh sya, May problema ka ba? Sorry pero medyo offensive lang ang message mo,” sagot ni Joy Ann
Dito na syang sinimulang insultuhin ng kanyang kaibigan.
“Nakakatawa ka girl, ano tinda tinda ka nalang? Sana kasi nagwork ka. Naoffend ka? Haha totoo” sabi ng kaibigan ni Perez.
“Magwork kanalang Joy Ann sure ka pa sa income mo monthly. Nang hindi ka mag mukhang cheap kakapost mo ng paninda online,” dagdag nito.
Tinanong pa nito ang educational background at diploma ni Perez.
“Ilang years nga natapos mo gurl? Musta naman diploma mo? Inaanay na ba?”
Sinagot naman ito ni Perez ng kalmado.
“Una sa lahat, kung nagsasawa ka sa pagmamarket ko online, you can unfollow/unfriend me naman o kahit iblock mo pa nga ako. Wala naman akong pake. Pangalawa, hindi ko hinihingi opinion mo, anyways salamat parin. At pangatlo, wag mo akong pangungunahan, ano desisyon ka?” sagot ni Perez.
“Wala naman ako pake kung sa paningin mo kacheapan yung ginagawa ko,” dagdag niya.
Dagdag pa ni Joy Ann, hindi niya kailangan maghanap ng trabaho upang may sahurin dahil kaya niya naman itong kitain. Dagdag pa niya, mas gusto niya ang self-employed dahil nagagawa niya ang kahit ano mang gusto niyang gawin.
Ngunit tinawag parin syang cheap nito. Dito na tinanong ni Joy Ann kung kelan siya babayaran sa utang ng kaibigan na hindi pa pala bayad simula 2018.
“Kelan mo kaya maaalala yung utang mo FRIEND? Ilang months na lockdown, hindi mo nagawang mangamusta ah?” tanong niya sa kaibigan
"Remind ko lang, 2018 pa yung nahiram mo ha. Wag kang mag alala. Hindi naman kita sinisingil. Kinalimutan ko na nga yon eh. Kaso gumawa ka ng dahilan para maalala ko," dagdag pa ni Joy Ann.
Sumagot ang kaibigan niya na kailangan niya ng pera kaya ito umutang noong 2018. Dagdag pa nito, hindi raw niya kasalanan kung masaktan si Joy Ann sa comment niya dahil sinasabi lang umano niya ang kanyang opinyon.
Tinanong pa ng kaibigan kung isinusumbat pa ba umano ni Joy Ann ang kanyang ipinahiram noon.
Narito naman ang sagot ni Joy Ann sa kaibigan. “Sana ikayaman mo yang pagwork mo. Wag mo ko kalimutan pag umasenso ka na ha. Hayaan mo, andito parin ako para sa’yo. See you soon mah friend. God bless you,”
Narito ang buong post ni Perez:
""TINDA TINDA KA NA LANG?"
Hindi ko ugali mag post ng ganito. Pero paisa lang. Isa lang talaga. Hahahaha. (Might delete this later)
So a friend of mine, reacted to my "My Day" and she leaves a message. See photos na lang. NiSC ko naman na eh. HAHAHAHAHA
Eto lang gusto ko sabihin sa'yo mah FRIEND, Para don nga pala sa kacheapan na sinasabe mo. Wala akong pake. Kung yan yung sa tingin mo, okay lang. Hahaha. Di naman ako nakakaano sa'yo eh. Ikaw pa nga tong me atraso sakin way back 2018 ata yon. Hahahahaha.
PS: April 2016 ako grumaduate. May 02. 2016 nag start na ko mag work sa Laguna gang Sept 2017. Anjan na ren COE ko. Tingnan mo. Hahaha. Pinicturan ko na rin yung Diploma ko na sinasabe mong inaanay na. Pati DTI ng business ko. Sinama ko na rin yung passbook ko nakakahiya kasi sa monthly income mo eh. At etong food business na to, actually trial pa lang talaga to. (I have permits too di ako ilegal na nagtitinda online) Nag susurvey pa lang ako. Kung maging okay sa public, then why not? We're planning to put this up na rin naman. Kaso lang due to this pandemic nga so mejo madedelay lang ulit. And I'm planning to study pa rin naman about cooking. Kaway kaway sa mga bessy kong may alam nyan. Hahahaha. Hindi lang talaga ako palasabe kung kanino, kase gusto ko tahimik lang buhay. Kaya nga di ako nag artista eh tamang support na lang ako. Eme lang. Hahahaha
Isa pa, oo wala naman kaming mansion. Okay na ako sa bahay na kawayan eh. Pwro meron naman na kaming mga sasakyan. Actually ilan na rin naging sasakyan namin eh. Di ako nagyayabang. Pero papatulan kita. Hahahahaha. May motor, tricycle at jeep kami before pero dahil sa ano mang dahilan binenta yon. Kasi yung para sa safety din. So far naman may Nissan Van at Toyota Revo naman kaming nagagamit. Roadtrip ba gusto mo? Sunduin pa kita jan, sabihin mo lang san mo gusto pumunta. Promise, uupo ka lang. Sagot na kita. HAHAHAHAHAHAHA. Haba na masyado, tama na nga. See you soon na lang. Yung utang mo wag mo na bayaran. Ayuda ko na sa'yo yon. LABYU MAH FRIEND. HAMISYOOO. GOD BLESS YOUUUU!!! HAHAHAHAHAHAHA"
Sa kanyang post, in-upload ni Joy Ann ang kanyang business permit, bank account deposits, Certificate of Employments mula sa kanyang mga dating trabaho at ang kanyang college Diploma mula sa degree na business administration.
ad17