Taong 2020, isang taong sumubok sa tatag ng ating loob habang tayo ay nakikipaglaban para sa ating buhay.
Simula ng magsimula ang taong ito, sinubok na ang maraming Pilipino. Una na riyan ang pagsabog ng Taal, Volcano at matapos ang isang buwan ay ang pagkakaroon ng pandemic sa Pilipinas at sa buong mundo na bumawi sa maraming buhay.
Habang papatapos ang taon ay may mga dumating pa na pagsubok sa bansa tulad na lamang ng pagdating ng bagy0ng Rolly na sumalantasa Bicol Region. Matapos ang isang linggo ay dumating naman ang bagy0ng Ulysses na nagiwan naman ng pinsala sa Rizal at Maynila.
Hindi rin nakaligtas sa matinding baha ang Isabela at Cagayan Valley dahil kinailangan magpakawala ng tubig ng Magat dam. Maraming kabahayan ang lumubog sa baha at marami ring buhay ang kinuha ng pangyayaring ito.
Sa ngayon ay lubog parin ng baha ang Cagayan at Isabela at tinatayang labing limang talampakan pa ang taas ng tubig rito.
Maraming taga roon na nagmamakaawa na upang may tumulong sa kanilang. Ang iba ang nag upload ng mga videos, larawan at mga audio online para humingi ng tulog.
Dahil dito maraming mga volunteers ang nagdesisyon na tumulong dahil narin maraming mga bata at senior citizen ang nagkakam4tayan at binabawian ng buhay. Marami ring nagsasasabi na marami ng bangk4y ang palutang lutang sa tubig.
Isa sa mga volunteers a sumubok na magligtas ng mga tao sa Brgay. Linao, Tuguegarao City ay si Kelly Villarao. Isa syang frontliner at isang bayani.
Ang malungkot dito ay binawian sya ng buhay habang nakasakay sa rubber boat at nagliligtas ng buhay.
Sa post ni Ian Saquing Maggay, pinost niya ang larawan ng ating bagong bayani na si Kelly Vilalrao. Ayon sa post ang sinasakyang rubberboat ni Villarao ay bumangga sa poste at doon sya nakuryente.
At ito nga umano ang dahilan ng pagkamatay ni Villarao. Marami ang kumilala sa kanya bilang isang bayani dahil sa kabayanihan na ipinamalas niya.
Rest in peace Kelly Villarao!
Anong masasabi nyo sa istoryang ito? I-comment sa baba ang iyong reaksyon.