Isang pobreng katulong, kinaawaan ng mga netizens dahil sa ginawa ng kanyang amo.

 


Sa panahon ngayon ang pagiging mabuti ng isang tao ay nakikita sa kung paano mo ituring ang mga taong mas nakakababa sa iyo. 


Nagviral kamakailan ang isang OFW sa Singapore na nagtatrabahao bilang isang maid.

Ang dahilan ay dahil nanonood lamang siya habang kumakain ang kanyang mga amo sa isang restaurant.




Isang Pilipino ang nakasaksi ng pangyayaring iyon at dahil sa sobrang pagkahabag sa kapwa Pinoy ay kanyang ibinahagi ang larawan kung saan nga makikita ang sitwasyon ng pobreng kasambahay.



Ayon sa post ng isang netizen na si Regine Cañete Allones sa kanyang facebook account, habang kumakain umano sya sa restaurant ay nakita nya ang isang pamilya na may kasamang isang katulong na OFW.  


Pag-kapasok ay agad na pinunasan ng maid ang mesa at silya ng bata at ng among babae. Pagkatapos ay inihanda ng kasambahay ang pagkain ng bata, habang ang mga amo ay nag-order ng kanilang pagkain.





Pag dating umano ng pagkain ay wala manlang iniabot sa katulong ang pamilya bagkus ay nakatanaw lamang ito a parang aso habang kumakain ang mag anak.

Gusto umano niya bigyan ng pagkain ang pobreng babae ngunit naisip raw niya na baka maasamain ng pamilya kung bibigyan nya ng pagkain kaya hindi na nya ito ginawa.



NARITO ANG BUONG POST.

"Kanina kumakain aq , tas ung matanda naghanap ng maupuan sa kopityam sa Clementi, tinawag ang maid nila, then c maid wiped the kids chair and table, hinanda nya ang pagkain ng bata tas ang amo nag order ng foods. Katulong nila sobrang payat saka mukhang unhappy, tuloy ang kain q naobserbaran ko tlga kung may pagkain yung maid,"


"(walang binigay ng foods) she seats sa table pinapanuod ang mga amo na kumakain, it breaks my heart gusto ko sana bigyan pagkain kso baka ako pa maging masama. Bakit may mga taong ganyan kung mangtrato ng kapwa katulong daig pa ng isang aso parang antay lang ng tira tirang pag kain.

#RespectStillAHuman hndi Robot kakain at kakain yan.  #IbangLahi
#And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased.
#Hebrews 13:16"


Narito naman ang komento ng mga netizens.






Anong masasabi nyo sa istoryang ito? maari mong i-comment sa baba ang iyong reaksyon.