"I stan the right Team!!" Team Payaman hinangan ng Netizens sa kanilang ginawa

Team Payaman! Isang grupo ng mga vloggers and content creators. Marahil madalas na ninyong marinig ang pangalang iyan sa iba't ibang social media platforms kagaya na Facebook, Twitter at sa Youtube. Pinangungunahan ng mga youtube star couple na si CongTv at Viy Cortez. Hatid nila ang mga nakatutuwa at mga good vibes na videos.



Ngunit hindi lang pala sila puro trip at patawa, sila rin ay may mga ginintuang puso na handang tumulong sa mga nangangailangan.

Kahapon lamang nang hapitin ng bagyong Ulysses ang kalakhang Luzon at Ka-Maynilaan. Maraming kabahayan ang lubog sa lagpas taong baha. Mga nagbuwalang puno at poste ng kuryente. Marami sa ating mga kababayan ang kinailangang lumikas at iwan ang kani-kanilang bahay.


Marami sa atin ang nagagailangan ng tulong dahil sa sinapit sa nagdaang bagyo. Dahil rito ang Team Payaman sa pangunguna ni CongTV ay hindi namang nagdalawang isip na magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.


Agad silang nag-pack ng mga pagkain na ipamamahagi sa mga tao.




Pagkatapos nito ay agad namang nagtungo ang grupo sa Brgy. Moonwalk, ParaƱaque City upang maghatid ng tulong.




Dito ay kanilang pinamigay ang kanilang dala-dalang tulong sa mga nasalanta.






Nagbigay sila ng pagkain at mga grocery item sa mga nangangailangan.







Kasabay ng buhos tulong bumuhos rin ang pasasalamat mga mga tao hindi lang ng kanilang mga natulungan pati na rin ang mga netizens na naantig sa kanilang ginawa.

Narito ang ilan sa mga taong nagpapasalamat at humanga sa kanilang ginawa.