"Gusto nya ako magpose ng n*de" Marco Gumabao inalok ng 2 milyon para maghub*d sa photoshoot

 


Hindi maitatanggi na isa si Marco gumabao sa isa sa kinakikiligan at hinahangan sa mundo ng showbusiness sa ngayon. Sa kanyang karisma at hubog ng katawan masasabi nating isa sya sa mga tinutularan ng kanyang heneresyon.



Nagsimula si Marco bilang batang aktor at marami ang nakasaksi ng kanyang pag usbong bilang isang mahusay na aktor.


Sa tingin pa lamang ay masasabi nating sa lakas ng kanyang karisma ay marami ng babae ang nabighani ng binatang ito. 


Naibahagi nga ni Marco na may nag alok sa kanya ng hindi desenteng proyekto.


Kamakailan lang ay ni-launch ni Marco ang kanyang youtube channel. 



Dito ga ay inamin nya na nakatanggap siya ng mga 'indecent proposals'.



Bilang unang video nya ay nagkaroon sya ng Q&A portion at galing sa tagahanga nya sa twitter ang mga tanong.



Isa sa mga tanong ay kung nakatanggap na sya ng 'indecent proposal' 


Pagbubunyag ni Marco, "May mga nakuha na ako dating mga indecent proposal, pero siguro yung pinaka nab4stusan ako, yung pinaka hindi ko talaga nagustuhan, kung paano nya sinabi saakin."


"gusto nya ako magpose ng n*de para sa isang photoshoot" dagdag pa nya.



Tinanong nya umano kung para sa magazine ba ito o para sa isang produkto.



Nung sinabi umano ng nag-alok na para sa pansariling gamit lamang ang mga larawan ay agad nyang tinanggihan ang proyekto.


Gustong gusto sya umano ng taong ito kung  kaya't ang alok na talent fee umano ay umabot sa Php.2,000,000 o dalawang milyong piso. Ngunit sinabi nyang hindi nasisilaw sa ganitong halaa ang aktor.


Dagdag pa nyan nakakasama na nya ang taong ito sa mga events na pinupuntahan nila ngunit kahit na ganon ay hindi parin nya tinanggap ang alok nito.



Maaaring mapanood rito ang kanyang vlog.