Dating Goin' Bulilit star Hopia Legaspi, ginulat ng kanyang non-showbiz boyfriend sa isang wedding proposal


 

Si Katrina Legaspi o mas kilala bilang "Hopia" ay mas nakilala sa isang kapamilya kiddie gag show na "Goin' Bulilit"



Kasabayan niyang makapasok sa naturang show sina Kathryn Bernardo, Julia Montes at Sharlene San Pedro. Ito ang naging daan upang makagawa rin sya ng mga teleserye at mga pelikula.



Nakilala rin siya ng gampanan niya ang karakter na batang Kris Aquino sa isang drama series na Hiram. Sa kabila ng kanyang kasikatan ay nagdesisyon si Katrina na iwan ang showbiz at pagtuunan ng pansin ang kanyang pag aaral. Nagtapos sya  ng Bachelor of Science in Communication Arts sa Miriam College.


Noon 2016 ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makabalik sa showbiz.



Sinabi niyang handa na siya sa mga matured r0les at handa na nyang iwan ang 'tweetums' o wholesome image.



Bagamat masaya para sa mga kaibigan, sinabi niyang malungkot siya dahil ang kanyang mga kasabayan na sina Kathryn at Julia Montes ay mga bigating artista na samantalang siya ay tila nagsisimulang muli. Ngunit sinabi niyang ayos lamang iyon dahil nagkaroon naman siya nag pagkakataon na tapusin ang kanyang pag aaral at hindi naman nasayang ang kanyang oras na ginugol rito.




Sa ngayon ay mayroon na syang sariling Youtube channel.

Nito lamang ay may mga inupload siya sa kanyang channel na request ng kanyang mga fans. Kasama ang kanyang mga magulang.


Habang ginagawa nila ang challenge ay napag usapan nila ang nobyo nitong si Ryan Jarina. 

May isang fan na nagtanong kung nagpaplano na ba silang magpakasal ng kanyang kasintahan.




Sinagot ng nanay ni Hopia na nasa tamang edad na umano ito kaya walang magiging problema kung magpakasal ang dalaga.


Matapos nito ay nag-announce na nga si Hopia na siya ay engaged na. 



Inilahad niya sa isang facebook post kung gaano siya kasaya. 

Kahit na nagulat siya sa biglaang proposal ng kanyang nobyo ay sinagot parin niya ito ng "YES"


Tignan ang kanyang buong post sa ibaba.



11/22/20 6 years together and forever!! 💍 Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! ❤️ I can’t wait to marry my first...

Posted by Trina "Hopia" Legaspi on Saturday, November 28, 2020

Anong masasbi nyo sa balitang ito? i-comment sa baba ang iyong reaksyon.