"Dahil bakla ako gusto nyo na akong barilin?" Isang transgender hindi nakaligtas sa panglalait ng isang matanda.



Bawat isa sa ating ay mayroong karapatan. Ito ay ang karapatang mabuhay, sabihin ang iyong opinyon, ipaglaban ang tama, maging ang pamimili ng iyong napiling kasarian ay karapatan narin ngayon Kung kayat ang respeto sa bawat isa ay mahalaga.


Ngunit ang nakakalungkot ay may mga tao parin talaga na tila makitid ang utak at hindi nila alam kung paano respetuhin ang bawat isa sa atin. 




Tulad na lamang ng pangyayaring ito na pinost ni Alexis Hart Garcia sa facebook. 


Aniya papunta raw siya sa isang mall pata doon sana managhalian kasama ang kanyang partner ng biglang iskandaluhin umano sya ng isang babaeng nagngangalang Susan pareho lamang umano ang lugar ng kanilang tinitirhan. 



Madalas umano kinukutya ang kanyang pagkatao ng babaeng ito. Binabasa rin umano sya tubig habang nagdidilig gamit ang hose kapag sya ay nakikita nitong dumadaan.




Inaambaan rin sya na babatuhin sya ng bato sa tuwing siya ay dadaan sa harapan ng bahay nito.



Ngunit dahil narin sa gusto niyang makaiwas sa gulo at nirerespeto nya umano ang matanda ay palagi nya nalang pinapalagpas at pinagtitimpian ang ginagawa nito.




Lagi rin daw syang sinasabihan na babarilin sya nito dahil bakla umano siya.



Dagdag pa nya, sinabi rin ni Aling Susan na hindi sya makakaraan sa village nila dahil pag aari daw niya ito.





Nag upload rin umano sya ng video bilang patunay sa ginawa sakanya ng matandang ito.







Kasama rin dito ang mga galos na natamo nya mula kay Aling Susan.







Ani Alexis naglalayon syang iaangat ang pagtingin sa mga kapwa LGBTQI sa kanilang lungsod. Para narin matigil na ang ganitong karahasan at maipagtanggol ng bawat isa ang kanilang mga sarili.



Narito ang buong post:




Narito naman ang mga comment ng mga netizens.










Narito ang mga videos.





Ano ang masasabi ninyo sa balitang ito? nararapat lang ba ang pagtrato ni Aling Susan kay Alexis dahil bakla sya? O dapat panagutin si Aling Susan sa ginawa nyang ito? I-comment sa baba ang iyong reaksyon