Coleen Garcia, may mabigat pinagdadaanan simula ng ipanganak ang anak na si Amari

 


Naga-adjust pa  bilang isang first time mom si Coleen Garcia. Simula ng isilang nya ang anak nila ni Billy Crawford na si baby Jaden Amari ay hindi na nakakatulog ng sapat si Coleen.


Normal itong nararanasan ng mga magulang ng bagong panganak na sanggol. Karaniwang gising ang mga magulang o ang ina tuwing madaling araw. Lalo na kina Billy at Collen na unang beses mag aalaga ng sanggol.


"May mga nag-warn na sakin na mahirap ang postpa@rtum, mahirap ang breastfeeding, yung recovery ang everything"


Ngunit sinabi naman nyang wala syang pinagsisihan sa pag dating ni Amari sakanilang buhay dahil ito umano ang pinakamalaking biyaya na kanilang natanggap. Tulad ng ibang ina na bagong panganak ay hindi rin daw kumpleyo ang kanyag tulog.



"Ang hindi ko lang maisip ay yung is yung pagsabay-sabayin mo lahat. I'm trying to learn how to breastfeed pero at the same time, nagrerecover din ako. From the day na nanganak ako wala pa akong buong tulog." dagdag pa ni Coleen.


Bilang bagong ina marami pang kailangang pagbabago at adjusments si Coleen. Lalo na at nagpapadede siya kanyang anak kailangan niyang manatiling malusog para rito.



Naidagdag rin nya na ipinagmamalaki nyang isa syang "Padede Mom" at masaya at ito ang nagiging bondinh nila ng kanyang anak.


Sinabi rin nyang masaya syang maranasan lahat ng kanyang 'firsts' sa kanyang anak na si Amari.



Dalawang buwan na simula ng manganak si Coleen sa kanyang sanggol na anak.