Marami netizens ang nagtaas ng kilay kay Arnold Clavio. Ito ay matapos niyang tanungin ang isang babae na biktima ng bagy0ng Ulysses.
Habang nagbabalita sa radio kasama ang kanyang partner sa programma na si Ali Sotto at nagbibigay ng pinakabagong balita tungkol sa bagy0ng Ulysses, nagkaroon sila ng panayam sa isang babae na kasalukuyang hindi makaalis at nangangailangan ng rescue mula sa kanilang bahay sa Marikina.
Sa isang video na trending ngayon online, natanong si Clavio ng tila ba hindi magandang tanong.
Tinanong nya ito kung bakit hindi parin umaalis sa lugar ang babae gayong alam naman nito na lagi itong binabaha sa tuwing may bagy0ng darating.
"Bat' andyan parin kayo? alam nyong lubog na kayo?!" na sinundan naman ni Sotto na dapat raw ay lumikas na sila dahil mataas na ang baha.
"Kunwari kapag naghahanap kayo ng lilipatan, hindi mo ba natanong? 'Kumusta noong Ondoy?'"
Sumugot naman si Angela na nasa kabilang linya at ipinagtanggol ang kanyang sarili. "Noong Ondoy naman po kasi alam ko na..." ngunit pinutol ni Clavio ang kanyang pagsasalita at sinabing "na mababa?".
Maraming nagalit sa panayam na ito. Sinabi nilang dapat ay naging sensitibo ang mga radio host sa mga binibitawan nilang mga tanong at salita. Tila ba sinisisi pa nila ang mga biktima ng bagy0 sa kanilang sinapit at tila kasalanan pa nila na di sila nakaalis sa kanilang lugar.
May isang tweet na nag-viral na may mahigit isang libong reaksyon. Sinasabing hindi umano propesyunal ang dalawa pagdating sa pagbabalita.
"Very unprofessional, tumawag sa inyo yung tao to ask for help not to be blamed. It's not easy to look for another place to live! What kind of journalism is this? And why Arnold Clavio is still in the news after grooming a minor before?"
Marami rin ang nagsabi na hindi manlang nakisimpatya ang mga host sa nangyayari sa caller sa halip at sinisi pa nila ito. Dagdag pa nila maaring walang pambili ng bagong bahay o ari-arian ang mga nabiktima ng bagyo kung kayat hindi ito makalipat at makaalis sa Marikina.