Barbie Imperial, Ipinatulfo dahil sa selos ng isang sikat na vlogger?



Si Anthony Leodones ay isang sikat na vlogger. Kasama ang kanyang kasintahan na si Jamie Bautista gumagawa sila ng mga nakakatuwang video. Marami ang aliw na aliw sa mga pinopost nila online kung kaya't matami ang nakakapansin sa kanila.



Nitong mga nakaraang araw nga ay umiingay muli ang pangalan nila dahil nali-link sya sa aktres na si Barbie Imperial. Marami na rin naipost si Anthony na edited picture nila ni Barbie na tila ba may relasyon ang dalawa at sobrang sweet habang ang girlfriend na si Jamie ay ginagawa nyang photobomber.






Ilan sa mga larawan na pinost niya online ay talaga namang pumatok at nagbigay ng saya sa nakararami. Dahil rito ay napansin si Anthony ng aktres at maging siya ay nagpost narin ng kanyang sariling edited na larawan. Makikita sa edited na larawan na may kissing scene si Barbie at si Anthony.


Ayon pa sa caption ng aktres. "First time to work with Anthony Leodones. Grabe kissing scene agad!!!!"


Nakita nito ang post ni Barbie kung kayat nagulat siya maging ang girlfriend na si Jamie at tinanong kung sino ang nag edit ng larawan.


Kilala ang magkasintahan na laging nagpipikunan sa kanilang mga video. Madalas nila pinagkakatuwaan ang isat isa sa tuwing nag a-upload sila.




Tila sumasakay lang si Barbie sa trip ng magkasintahan.




Makikita sa larawan na nasa Raffy Tulfo ang tatlo. Si jamie ang nagrereklamo habang si Barbie ang inerereklamo at si Anthony ay nakapanig sa kampo ni Barbie.




Naging usap usapan muli ang larawan nilang ito.


Sa huli ay ang nais lamang ng tatlong ito ay makapagpasaya at magbigay ng goodvibes sa ating lahat na malungkot lalo na sa panahon ngayon. Ikaw anong maasabi mo sa ginawa nila? Maari mong ibahagi s amin ang iyong komento sa ibaba.