"Baby Boy Tulfo" isinilang na ng kaisa isang anak na babae ni Idol Raffy Tulfo!



Nito lang ay  nanganak na ang anak na babae ni Idol Raffy Tulfo na si Maricel Tulfo-Tungol. Ito ang kauna-unahang apo ni Idol Raffy.



Si Maricel Tulfo-Tungol o mas kilala bilang Mar Tulfo ay ang nag iisang anak na babae ni Mr. Raffy sa kanyang asawang si Jocelyn Tulfo.



Isang malaking regalo para sa pamilya Tulfo ang panganganak ni Mar sa kanilang anak ni Atty. Garreth Tungol ngayong taon.  

Sa kanyang instagram account masayang ibinahagi ni Mar ang mga larawan ng kanyang anak na si Gayson Maxwell Tulfo Tungol. Ito ay isang malusog na baby boy.



Ayon sa caption ni Mar, nanganak siya noong November 28, 2020 sa ST. Lukes Medical Center at ang kanyang anak ay may bigat na 3.6 kg.



Bukod pa rito ay nag upload rin si Mar ng kanyang larawan habang siya ay nagle-labor. Makikita kung gaano kalakas ang loob ni Mar bilang isang ina.



Mapapansin na laging updated si Mars sa kanyang instagram account at youtube channel sa kanyang pagbubuntis.


Sinabi rin ni Mar na ang kanyang anak na si Maxwell ang "THE BEST CHRISTMAS GIFT I HAVE EVER RECEIVED"

Maraming pang cute na cute na mga larawan ang ibinahagi ni Mar sa kanyang instagram account. May isang video na karga karga pa ni Atty. Garreth ang kanyang baby boy.



Siguradong masayang masaya ang lolong si Sir Raffy at lola na si Jocelyn sa paglabas ng kanilang kaunaunahang apo.




Marami ring netizen ang natuwa sa paglabas ng batang Tulfo.  Ang ilan ay tinawag pa itong "baby Tulfo".



 


 anong masasabi nyo sa balitang ito? I-comment sa baba ang iyong reaksyon!