Umiiyak at tila ba hirap na hirap ang isang sanggol na ito ng iwanan sa isang bahay na nasa loob ng isang subdivision sa Cavite.
Nabulabog ng iyak ng isang sanggol na bata ang isang tahanan sa Imus Cavite. Nang hanapin nila kung saan nanggagaling ang ingay na ito ay bumulaga sa kanila ang isang sanggol na nakasilid sa isang malaking bag. Inabandona ang bata na halatang kapapanganak pa lamang.
Nakitang walang kamuwang-muwang ang munting sanggol sa isang bag na iniwan sa tapat ng isang subdivision.
Ayon kay Winnie Lyn De Leon, narinig nila at ng kanilang kapitbahay ang pag iyak ng naturang sanggol.
“Newborn, kasi may umbilical cord pa nung makita,” saad ni Winnie ng makapanayam sa isang radio station noong nakaraang Miyerkules.
Nakita sa CCTV na alas 3:30 pa lamang ng umaga ay iniwan na ang sanggol ng isang lalaki sakaya ang kanyang bisikleta.
Subalit natagpuan ang sanggol bandang alas 11 na ng umaga dahil sa lakas ng iyak nito.
“Ang sakit kasi magulang din po ako,” Dagdag pa ni Winnie.
Saad pa niya, nakita ang kahabag kahabag a sanggol sa isang violet na bag at maya mga kasama itong gamit ng bata tulat ng bote na may gatas na at kaunting damit.
Agad namang ipinagbigay sa mga kinauukulan ang sanggol upang malinisan at mabihisan.
Ayon kay Glenda Obligacion, Social Worker in charge for adoption cases ng Imus, nasa maayos na kalagayan na ang sanggol.
“Mahimbing tulog niya ngayon. Binabantayan siya ng house parents na nakaduty,” saad pa niya.
Nagbigay din ng payo ang nasabing social worker sa mga magulang na may pinagdadaanan.
“Kung talagang may pinagdadaanan, hindi na kayang buhayin 'yung bata, decided silang i-give up ang bata, sana po makipag-coordinate na lang sa amin rather than ilalagay somewhere lang. Lalong magiging risky kalagayan ng bata,” paliwanag ng Social worker.
ad6
Narito ang post ni Winnie Lyn.
Kung saka-sakaling walang mag-claim sa bata, CSWD ang mag-aasikaso ng proseso para sa pag-ampon sa baby.
Umani naman ng ibat ibang reaksyon ang nasabing post.