Ang bagong mukha ni Original Pabebe Girl, Michelle Alfonso

 


Si Michelle Alfonso ang isa dalawang pabebe girl na nag trending at nabash noong July 2015.


Matatandaang ang video ang nagviral dahil tila nakikipag away ang mga ito sa video sa murang edad at kung ano ano na ang lumalabas sa kanilang bibig. Kasama ni Michelle ang kanyang kaibigan na si Janet Ricabo.



Noong nag trending ang kanilang video marami ang gumaya at nagimpersonate sa magkaibigan. Ilan na rito sina Maine Mendoza, Kim Chui, Alex Gonzaga at Wally Bayola at marami pang iba. May mga kilalang mga vloggers din na ginaya ang dalawa at gumawa ng katawa tawang video.



Naging daan ang kanilang video upang sila ay sumikat at makapag-guest sa iba't ibang palabas, tulad na lamang ng Gandang Gabi Vice,  Kapuso Mo Jessica Soho, Celebrity Bluff,  Rated K, ASAP, at Tunay Na Buhay.


Ngunit naging kaakibat ng kanilang kasikatan ang pagkakaroon ng mga bashers. Maraming nagalit sa dalawa ng dahil sa video at sineryoso ang kanilang pagpapanggap na kunwari ay may kaaway bukod pa rito ay maraming nagsabi kay Michelle na wala itong kilay kaya dapat daw ay hindi ganun ang kanyang ugali.


Sa kabilang banda, ito naman ang naging daan upang mapansin siya ng mga tao.

Matapos mawalan ng interes ang mga tao sa kanilang viral video ay unti-unti ring nawala ang balita tungkol sa kanila.


Ngunit makalipas ang limang taon muling nagbabalik si Michelle. Isa sya sa mga naging guest choices sa bawal judgemental segment ng eat bulaga na ipinalabas noon November 14, 2020.




Marami ang hindi nakakilala sakanya dahil ibang iba na ang istura niya ngayon. Dalagang dalaga na ito higit sa lahat ay may kaunting ake up ang dalaga na nakatulong upang magkaroon sya ng kilay.



Ngayon ay 16-anyos na ang dalaga at Grade 9 na siya.

Taga San Mateo, Rizal ang pamilya niya at isa sila sa sinalanta ng bagy0ng Ulysses.

Mabuti na lamang at nakapag taping na siya noong November 11 sa Eat Bulaga dahil kinabukasan nito ay rumagasa na ang nasabing bagy0.




"Naapektuhan po kami ng bagyo. Pinasok po ng tubig baha ang bahay namin. Hanggang beywang ang tubig kaya lumikas kami sa ibang bahay," pahayag ni Michelle.



Noong nagviral ang kanilang video ay labing isang taon lamang si Michelle kung kayat nangarap siyang makapasok sa mundo ng showbiz ngunit hindi ito natuloy.

"Gusto ko sana sa GMA-7, pero yung mga kasama ko sa video, gusto nila sa ABS-CBN," saad ni Michelle.


Nangangarap parin si Michelle na mag artista. Aniya, "Gusto ko pa rin pong pumasok sa showbiz kung may magma-manage sa akin."

"Masaya ako habang pinapanood ang sarili ko sa 'Bawal Judgmental' dahil ngayon na lang uli ako lumabas sa TV."



Sa ngayon ay mayroon ng sariling youtube channel si Michelle at umaasa syang maulit muli at mapansin sya kagaya ng nangyari sakanila nung 2011.

Kahit na manipis parin ang kanyang kilay ay hindi na raw sya nagpapa-apekto sa mga nambabash sa kanya. Aniya, normal na raw ito para sa kanya.




Dagdag pa nya sa kagustuhan nyang maging artista ay paulit ulit daw niyang pinapanood and mga guesting nila ni Janet noon.


Narito ang buong video ng kanyang Eat Bulaga guesting.