Paano nga ba ituring ni Dimples Romana ang kanilang kasambahay?


Hindi matatawaran ang galing ni Dimples Romana sa pag arte, kung kayat kabi-kabila ang kanyang teleserye at ang huli nga dito ay ang matagumpay nitong teleserye na kadenang ginto. 

Kamakailan lang ay sinurpresa ng batikang aktres ang  kanyang kasamabahay na si Ate Vilma na  17 taon na nilang kasama. Binigyan nya ito ng bagong bahay at lupa. Aniya hindi na iba saknaila si Ate Vilma kaya nag isip sya ng paraan para pasalamatan ito.


Nung una ay sinabi ng aktres kasama ang kanyang asawa na si Boyet na ipapakita lang nya ito sa kay Ate Vilma kung okay ba itong gawing paupahan. Ngunit walang kamalay malay ang kasambahay na ang bahay na kanyang nililibot ay mapapasa kanya na.



    


Dito ay ibinunyag na niya ang kanilang surpresa. Hindi makapaniwala si ate Vilma sa regalo sa kanya ng kanyang amo. Aniya hindi nya akalain na ganito ang magiging regalo ng mag asawang Dimples at Boyet sa kanya. Ani Dimples ito ay bilang pasasalamat nya kay Ate Vilma na talagang naging tapat sakanila ng labing pitong taon. Nasaad din ni Dimples na umabot pa umano sa panahon na sobrang nahirapan sila sa mga bills at ilang buwan nilang hindi na papasweldo si Ate Vilma pero wala umano itong reklamo at patuloy paring nanatili sakanila.



Dagdag pa ng mag asawa, hindi nila maabot kung anong meron sa kanilang buhay sa ngayon kundi dahil kay Ate Vilma na talaga namang mapagkakatiwalaan at hindi sila nanganagamba na iwan ang kanyang bahay at mga anak dahil kampante syang nasa mabuting kamay ang mga ito.



Hindi naman mapagsidlan ang tuwa ni Ate Vilma at pinasalamatan nya ang buong pamilya ni Dimples.


Natuwa at humanga naman ang mga netizens sa kabutihang pinakita ng mag asawa sa kanilang kasambahay. Narito ang ilan sa mga komento.



Mapapanood ang buong video ng pag surpresa dito:









Ikaw anong masasabi mo sa kabutihang ito ni Dimples at ng kanyang pamilya? I-comment sa baba ang iyong reaksyon.