Misis at helper nito nahuli ng anak na may ginagawang kababalaghan




Trending ngayon ang isang misis na nagngangalang Florenda Delavin at kanilang helper na nagngangalang Nestor matapos itong may gawing kababalaghan. Nakita umano ng mga anak ni misis  na may hindi tamang ginagawa ang dalawa. Ang mga bata ay edad 16 anyos at 8 anyos na bata .




Nagsumbong ang mga bata sa kanilang ama na si Vicente Delavin Jr. Kaagad naman humingi ng tulong si Vicente sa kinauukulan.



 Ayon sa mga bata nakita raw nila na lumilipat ng higaan ang kanilang helper na si Nestor papunta sa higaan ng mama nila at yumayakap pa umano ito. Gabi gabi daw itong ginagawa ng dalawa dahil wala ang ama nilang si Vicente sapagkat nagtatrabaho ito sa barko.




Ayon pa sa 16 anyos na si "Charles"  kasama pang matulog ng dalawa ang kapatid nyang walong taong gulang na si "Ineng". Pagkapasok umano sa kwarto ay kaagad naglalock ang dalawa at dun gumagawa ng kababuyan.




Agad namang itinanggi ni Florenda ang akusasyon ng kanyang asawa at mga anak. Aniya nagsisinungaling umano ang kanyang mga anak. Pamilya na umano ang turing nya kay Nestor kung kayat pag daw ito nakikiusap na manood ng TV sa kanilang kwarto ay pinagbibigyan nya ito ngunit hindi daw nila kinakandado ang pinto.




Dagdag pa nya simula umano na kunin ng kanyang asawa ang kanyang mga anak ay na brainwash na umano ang mga bata at natutong magsinungaling.



Sinabi naman ng anak nilang si "Charles" na totoo umano ang kanyang mga nakita iyun din umano ang ang sinabi sakanya ng kanyang nakakabatang kapatid. Dagdag pa nya simula umano ng 11 anyos pa lamang sya ay ganito na ang gawain ng kanilang ina at ng kanilang helper.



Sinabi pa ng bata ang posisyon na ginagawa ng kanilang ina at ng helper nito tuwing ginagawa ang kababuyan. "d*gstyle" pa umano ang nakita nilang posisyon ng mga ito. Nakita rin umano ng mga bata na gumagawa ng kababalaghan ang dalawa sa loob ng banyo.


Ngunit patuloy itong tinatanggi ng kanilang ina. Aniya mahiya naman sila sa mga sinasabi nitong kasinungalingan. Hindi nya magagawa ang ganitong bagay lalo na ang pagtabi sa pagtulog sa kwarto tanging panonood lang ng TV ang ginagawa nila at may mga pagkakataon lang umano na nagigising sya na nandun parin si Nestor sa kama. Ginigisng nalang umano nya ito upang lumipat na sa totoong higaan nito.



Nagsalita rin si "Ineng" at sinabing nakikita nya raw ang kanyang ina at si Nestor na magkayap sa gabi. Dagdag pa nya nakikita nya sa banyo ang dalawa at minsan ay dinadalan ng kanyang ina ng brief ang kanilang helper.  Pinabulaanan ito ni Florenda aniya si Nestor daw ang yumayakap sa kanya pag gising nya raw ay nakayap na ito. Yung brief umano ay pinapaabot lang sakanya ni Nestor. Pero sakanya ay wala lang umano yon dahil pamilya na ang turing nya rito.



Dagdag pa ni "Ineng" may mga pagkakataon daw na nararamdaman nya na may gumagalaw galaw na paa sa tabi nya at naririnig nya na "ano ilalabas ko na ba?" at bigla umanong may magtatakip ng mata niya.



Sabi pa ni "Charles" mabuti pa raw si Nestor ay nakakatabi nya pagtulog ngunit pag sya daw ang tatabi sa kanyang ina ay pinapaalis daw sya nito.

Ayon naman sa abogado Adultery at Child abuse ang maaring kaharaping kaso ni Florenda. Kahit umano itanggi ng itanggi ni Florenda ang mga akusasyon saknya ay hindi parin sya paniniwalaan dahil mga menor de edad umano na anak niya ang nagsabi ng kanilang nakita.


Narito ang buong video:




May kilala o alam ka bang may pagkakahawig sa  kwentong ito? ano ang naging reaksyon mo ng malaman mo ito? I-comment mo sa baba ang iyong naging reaksyon.