Isang sikat na vlogger trending dahil hindi agad nakilala si Dr. Jose Rizal

 

Sa panahon ngayon marami ang sikat na personalidad o "influencers" ang madaling makakuha ng atensyon sa telebisyon man o sa social media. Maaring ito ay sa mabuti o  hindi magandang paraan. Gamit ang social media naibabahagi rin natin ang ating kaalaman sa mabilis na paraan.


Ang nakakalungkot dito ay may ilang "influencers" na hindi alam kung paano nila maiimpluwensyahan ang kanilang mga taga subaybay sa tamang paraan.



Ang isang halimbawa na rito ay ang vlogger na si Mary Lite Lamayo na trending muli dahil sa isang vlog na in-upload nila ng kaibigan nya matapos hindi makilala ang larawan ng ating pambansang bayani.




Sa video, naglaro sila Mary Lite at kaibigan nya ng Guess Who Challenge kung saan ipapakita saknaya ang isang bahagi ng larawan ng taong pahuhulaan at kailangan nyang hulaan kung sino iyon.

Sa kasamaang palad hindi nya nakilala kung sino ang ating pambansang bayani.


Ang nasabing larawan ni Dr. Jose Rizal ay ang iconic na larawan nito.

Sa video, ang itaas na bahagi ng larawan ni Dr. Jose Rizal ang pinakita at ang lahat ay nagulat ng hindi nya makilala ito at hindi nya nasagot ng tama.

Ang mas nakakgulat at kinainis ng lahat ay tinanong pa nya kung vlogger ba ang nasa larawan at kung "tiktoker" daw ba umano ito.

"nagtitiktok ba yan?" tanong ni Mary Lite.

Dahil dito maraming netizens ang nainis sa video dahil bilang isang influencer umano  ay dapat may maganda syang naihahatid na video para sa lahat.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi na ginagawa lang umano ito ni Mary Lite upang makakuha ng atensyon.

Para sa kanila ginagawa nila itong dalawa ng kanilang nobyo upang mas lalo silang sumikat at mapansin.


Maraming naging  kumento ang netizens at ginawa pa ngang katawa tawa ang pangyayaring ito. Narito ang ilan sa mga tweet at komento nila.









Narito ang video:



Ano sa tingin nyo? kilala ba nya talaga si Dr. Jose Rizal o nagpapanggap lang sya?


Maari mong i-comment sa baba ang iyong reaction.