"Ipinanganak ako para mahalin ka" Ion pinatunayan ang pagmamahal kay Vice sa kanilang 2nd anniversary.

 




Ang ViceIon ang isa sa mga sinusubaybayang relasyon ng karamihan sa atin. Hindi lang dahil sa kilig na kanilang binibigay kundi dahil rin sila ang nagpapatunay na kahit magkamukha man kayo ng kasarian ay wala pa rin makapipigil sa inyo para magmahalan.

Unang napanood sa programang It's Showtime, nagsimula sa tuksuhan at unti-unting nauwi sa totohanan. At mula noon sinubaybayan na nang madalng people ang bawat kaganapan sa relasyon nilang dalawa.

Noong nakaraang October 25 nga ay umabot na sila sa pangalawang taon at kanilang binahagi sa atin ang kanilang ikalawang taong anibersaryo.

Silipin natin kung paano nga ba pinagdiwang ng ViceIon ang kanilang 2nd Year Anniversary.

Napagkasunduan ng dalawa na i-celabrate ang kanilang anniversary sa isang lugar na magiging masaya raw sila at ito nga ay ang  Enchandted Kingdom.



Nariyan na nga ang engrandeng carousel na pinaka-paboritong ride umano ni Vice.



Ang "Dodgem" na enjoy na enjoy na nilaro ng dalawa.



Hindi rin mawawala ang mga Games and Prizes sa loob ng Enchanded Kingdom.



Napanalunan pa nga ni Meme Vice ang Unicorn stuff toy na ito sa isa sa mga games.


Ngunit hindi lang pala sila dalawa ang magse-celebrate ng espasyal na araw na ito, nariyan rin ang kanilang mga kaibigan para maki-celebrate sa kanila.


Pinaalala naman nila na lahat ng kasama sa shoot na iyon ay sumailalim sa Swab Testing at nag NEGATIVE. Sumailalim rin silang lahat sa mandatory health checklist ng Enchanted Kingdom.


Matapos ang pagsakay sa mga rides, ay nagkaroon sila ng "Encahnted Dinner in the Sky".





Sinundan naman ito ng pag-serenade sa magkasintahan.



Ngunit hindi pa pala dun nagtatapos ang celebration ng dalawa. Nagbigay ng mensahe si Meme Vice para kay Ion at ngapasalamat sa pagmamahal.




Ibinahagi rin nito ang ginawa nyang kanta para sa kasintahan. Ito ay pinamagatang "Mahal ako ng mahal ko"




Hindi naman mapigilan ni Ion ang kanyang luha ang sa sobrang tuwa na nararamdaman.



Nagbigay naman si Ion ng maikli ngunit matatamis na mensahe si Ion kay Vice. Sinabi nito na "Hangga't kaya kong iparamdam na mahal kita, ipaparamdam ko sayo."



Tunay ngang walang makapipigil sa dalawang taong nagmamahalan. Magkaiba man ang estado ng buhay o magkamukha man ng kasarian. 

Kay meme Vice at Ion hiling namin ang mas matibay at pang-habangbuhay nyong pagmamahalan.

Panoorin ang kabuoang vlog nito.