"I tried to win her back" Tekla naglabas ng saloobin tungkol sa pinagdaanan nila ni Michelle


Matapos ang isang linggo ay naglabas na nga ng kanyang mga sagot ang komedyanteng si Super Tekla.



Sa video na inilabas ni Ogie Diaz sa kanyang youtube channel ay ipinakita nito ang kanyang naging panayam sa kaibigang komedyante. 

Dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Ogie na itanong ang mga importanteng bagay na naghahanap ng kasagutan.

Kinumusta ni Ogie ang kaibigang si Tekla. Sagot nya hindi pa raw sya nakakaahon sa unang unos ( ang pagkakasakit at pagkaopera ng anak na si baby Angelo) sinundan paumano ito ng napakalaking unos na may kasamang alon. 

Tinanong din sya ni Ogie kung ano ang naging reaksyon nya nung nagsalita ang kanyang kinakasama sa programa ni Idol Raffy. Aniya nung una raw ay wala syang reaksyon dahil matagal na raw syang binabantaan ng mga ito sa na magpapa-Tulfo. Sa katunayan nung gabi umano bago pumutok ang issue ay sinabihan na sya sa balak nilang ito pero hindi raw nya ito sineryoso dahil wala daw sya maisip na malalim na dahilan upang gawin nila ito. 



Sobra rin umano ang tiwala na ibibigay nya na hindi ito gagawin ng kanyang kinakasama.

"were you aware na bini-video ka'? tanong ni Ogie



"Hindi. Wala akong kaalam alam kasi kung alam ko lang nag-wig sana ako kasi mukha akong si Mang Kanor don" biro ni Tekla.

Naitanong rin ni Ogie kung bakit nagsisisigaw si Tekla sa nagviral nitong video. Aniya nalaman daw niya kasi naka-block na sya sa facebook account ni Michelle at kapatid nito. Hindi nya raw alam na kung ano anong pinopost nitong paninira tungkol sa kanya buti na lamang daw ay may isang conern na kaibigan na nagsend sakanya ng mga post ni Michelle dun na raw sya sumabog sa galit.



Dagdag pa ni Tekla sya raw yung tipo ng tao na nananakit ng partner. Kapag raw siya ay galit dinadaan lang nya to sa sigaw.  



Sa katunayan siya raw ang sinasaktan ni Michelle. Sa loob umano ng limang taon hindi na raw niya mabilang ang mga peklat nya sa katawan dahil sa pananakit ng dating live-in.


Natatawang kwento ni Tekla na may isang insidente pa umano na sinugod sya ni Michelle at ng kapatid nito at binugbog sya. Marami daw syang naging gasgas at bukol duguan daw sya nung oras na yun. Nagpamedica umano sya para sa record ng pananakit. Dinala umano nya ang medical record sa baranggay upang doon magreklamo ngunit hindi daw sya pinansin ng mga taga baranggay dahil first time daw na may magreklamo ng pananakit ng isang lalaki. 


Ito daw ang dahilan kaya pinalipas nalang nya ang nangyaring ito. Umaasa rin daw kasi sya na maayos pa ang kanilang pinagsamahan noong panahong iyon dahil nanghihinayang sya sa kanilang pinagsamahan.

Dagdag pa ng komedyante na sanay na umano sya sa mga ganitong issue nila ni Michelle dahil palagi umano itong nangyayari nagkataon lang na level up umano ang nangyari ngayon dahil umabot na ang issue sa social media.



Naikwento rin ni Tekla na alam daw nya kung paano susuyuin si Michelle pero may isang bahagi daw umano ng pagkatao nito sa hindi nya matuklasan dahil sobrang misteryosong tao nito.

Nagbaliktanaw rin sya kung paano nya nakilala si Michelle. Aniya nakilala nya ito nung walang wala siya at pareho silang lulong sa sugal at bawal na gamot. Hindi rin umano stable ang kanilang pagsasama madalas din silang maghiwlay noon kaya ang ginawa nya ay umiwas sya sa bisyo upang maiayos ang buhay nila. Pinipilit nya umanong bitbitin sa landas na makakapag ayos ng buhay nila



Tinanong rin ni Ogie kung nalimas naba ni Michelle ang kanyang ATM at sinabi nitong maraming pagkakataon na inubos nito ang laman ng ATM nya dahil hindi nya umano ito tinataguan ng kahit anong personal na bagay na meron sya.






Sa loob umano ng anim na taon nilang pagsasama sobrang minahal nya umano ang dating kinakasama ngunit ng dahil sa nangyari ay unti unti itong nawala.

Matapos ang issue ay sinabi nitong sinubukan rin nyang kunin ulit si Michelle at anak nito ngunit hindi ito pumayag dahil gusto ay kasama parin umano ang mga pamangkin at kapatid ni Michelle. Tanging sustento nalang kay baby Angelo ang kanyang ibibigay sa dating kinakasama.


Sa huli sabi ni Tekla na sinesecure lang daw nya ang kanyang network na GMA-7 kaya siya nanahimik muna sa issue.



Narito ang video ng buong panayam kay Tekla.