"Hamon ka kasi ng hamon" Idol Raffy bistado na si Michelle

  



Matapos humingi ng tulong ni Michelle sa programa ni Idol Raffy na Raffy Tulfo in Action ay agad syang tinulungan ng mga staff at crew nito. 


Sa katunayan inalok sya ni Raffy Tulfo ng tulong. Ito ay ang pagpapapustiso kay Michelle, pagbibigay groceries, at pagbabayad ng upa sa kanilang tinitiran ng apat na buwan.


Dahil mainit ang issue kay Michelle na gumagamit parin umano hanggang ngayon ng bawal na gamot. Hinamon sya ni Idol Raffy na mag pa hair follicle dru6 test at magpalie dector test. Hindi naman nag atubili si Michelle at agad syang pumayag sa hamon na ito.



Sa huling pakikipagusap ni Michelle sa programa ni Idol Raffy, sinabi nitong nagkausap na umano sila ng dating ka live-in na si Tekla, sinabi nyang gusto ulit silang kunin ni Tekla ngunit hindi na kasama ang mga pamangkin at kapatid nito. Tanging silang dalawa lang mag ina ang gustong buhayin ng komedyante ngaunit hindi umano sya pumayag dahil hindi nya raw kayang iiwan ang kanyang mga pamangkin at kapatid dahil sya lamang daw kasi ang inaasahan ng mga ito. 



Dahil dito ay napagusapan nalang nilang maghiwalay ng maayos at susustentuhan na lamang ng komedyante ang bata.





Sa puntong ito sinabi na ni Idol na hindi na itutuloy ang lie detector test at hair follicle dru6 test dahil wala na umano itong saysay dail nagkausap na umano sila ng dating kinakasama. Ngunit nagpilit si Michelle at gusto parin daw nyang ituloy ang test upang patunayan sa mga tao na nagbago na siya at hindi na sya gumagamit ng bawal na gamot. Humanga si Idol sa kanya at pumayag sa hamon ni Michelle at pina schedule na sa staff nito ang mga test na gagawin.



Ngunit ngayon lamang araw ay nakipag usap ulit si Michelle sa tanggapan ni Idof Raffy upang sabihin na umaatras na umano sya sa drug6 test dahil umano pinagalitan sya ng tita nya at wag ipapagalaw ang kanyang buhok dahil kakapanganak pa lamang niya. Nag aalala umano sya sa kanyang kalusugan.



Dito na nabuking ni Idol si Michelle na lumulusot na lamang umano sa dru6 test si Michelle at dito na umano napatunayan ng batikang host na niloloko lang umano sya nito. Sabi ni Idol na walang kinalaman ang pagputol ng buhok nito sa pagkabinat at pagkapanganak nya.



Sa huli sinabi ni Sir Raffy na hindi na ibibigay ang mga naipangakong tulong kila Michelle at kakausapin nya ang DSWD na i-check ang background ni Michelle kung ito ay gumagamit pa ng bawal na gamot at titignan kung kaya ba nitong buhayin ang mga pamangkin nya maging ang kanyang anak. Dahil kung hindi ay kukunin ng mga social wellfare ang mga bata at ang anak nila ni Tekla ay mapupunta ang kustodiya sa komedyante.


Naging emosyonal si Michelle at walang tigil ang kanyang pag iyak. Sa huli sinabi na ni Idol Raffy na case close na umano ang kaso at hindi na nya papakialaman at tutulungan si Michelle.

Maraming netizens ang natuwasa pasyang ito ni Sir Raffy at sa waks daw ay hindi na sya napaikot ni Michelle. 



Narito ang kanilang mga komento:






Maari mong i-comment sa baba kung anong masasabi mo sa balitang ito.