Filipina sa Dubai nakatanggap ng Milyones sa kanyang sikat na amo.


Maraming Filipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang makaipon, makapagpatayo ng bahay, makatulong sa pamilya o mapagaral ang kanilang mga anak. Marami sa ating mga OFWs ang naabuso at di nabibigyan ng di magandang pagtrato ng kanilang mga amo. Ngunit may iilan na pinalad at nakatagpo ng napakabait at mapagbigay na amo. Isa na rito si Avelina na halos tatlong taon ng OFW sa Dubai.

Si Avelina ay may dalawang lalaking anak isang 15 anyos at isang 29 anyos. Aniya nagtrabaho sya sa Dubai upang mapag aral ang kanyang anak sa college. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang amo at mga kasamahan sa trabaho ang rason ni Avelina kung bakit sya nagtrabaho sa ibang bansa. Sa katunayan pinuri nila ito at binigyan ng importansya sa lahat ng ginagawa nito para sa kanila.






Ayon sa kanyang mga kasamahan sa trabaho hindi umano matatawaran ang kasipagan at kasipagan ni Avelina.



 Noong September 30, 2020 nag upload si Alexandra Mary Darvall o mas kilala sa tawag na "Supercar Blondie" sa facebook ng isang video kung saan sinurpresa nya ang kanyang empleyadong si Avelina ng pera para pang college ng kanyang anak.





 Ito daw ay bilang pasasalamat sa kasipagan at kabaitan na ipinakita nito sakanila sa loob ng halos tatlong taong pagtatrabaho sa kanya.







Nang iabot ang kahon kay Avelina at buksan niya ito nagulat sya sa laman ng kahon at napasigaw na lamang siya ng "I'm a millionaire sir" Napaluha sa kasiyahan si Avelina at hindi siya makapaniwala sa kanyang natanggap. Abot abot ang pasasalamat nito sa kanyang amo na ang turing narin sa kanya ay pamilya.




Narito ang video ng pag surpresa kay Avelina





I-comment sa baba kung ano ang masasabi mo sa videong ito.